• Home
  • Fresh Scoops
  • Carlo Aquino reveals Jason Francisco became jealous of him because of Melai Cantiveros

Carlo Aquino reveals Jason Francisco became jealous of him because of Melai Cantiveros

Carlo Aquino admits Jason Francisco was not happy when the latter’s wife Melai Cantiveros was paired up with him.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/28/2017 10:36 AM
Carlo Aquino reveals Jason Francisco became jealous of him because of Melai Cantiveros


 

Totoo pala ang balita noon na nagselos nang husto si Jason Francisco sa asawang si Melai Cantiveros dahil kay Carlo Aquino.

Ayon sa kuwento ni Carlo, nagsimula ito nu’ng ipartner siya ng ABS-CBN kay Melai sa seryeng We Will Survive noong nakaraang taon.

Matatandaang nag-post si Jason last year ng napakahabang emote sa kanyang Instagram account at sinabing hiwalay na sila ni Melai. Naayos din naman agad ang problema ng mag-asawa at ngayon nga ay bago na silang baby.

“Nag-usap kami nang lalaki sa lalaki at nagkaintindihan. Naintindihan naman yung point ni Jason.

“Kasi, for the longest time, si Melai, wala namang ano (love team), eh. Walang ganu’n. Naiintindihan ko ‘yun. Ako din, eh. Pagka ganu’n… di ba?” paliwanag ni Carlo.

Ang mister ni Melai daw ang unang tumawag sa kanya at na-appreciate niya ito.

“At least, di ba? Hindi ‘yung kung kani-kanino lang niya sinasabi. Kinuwento niya kung paano pinitch kay Melai (‘yung story). ‘Yun nga, dapat din naman kasi talaga, parang two weeks lang ako du’n sa show, pero na-extend ang role ko,” kwento ni Carlo.

Hindi raw siguro ini-expect ni Jason na mai-extend ang character niya kaya ito nag-react.

“Kasi, iba ‘yung sinabi, iba ‘yung nangyari,” sey pa niya.

Pero naniniwala naman si Carlo na alam ni Jason na trabao lang ang ginagawa nila ni Melai at wala itong dapat ikatakot.

Meron din daw siyang girlfriend at six years na ang kanilang relasyon.

Samantala, with regards to The Better Half, masaya ang aktor na naging bahagi siya ng afternoon series kasama sina Shaina Magdayao, Denise Laurel at JC de Vera.

“Ang sarap, ang sarap sa pakiramdam, siyempre. At saka ‘yung tumagal ng ganito ‘yung show. Hanggang ngayon, hindi pa rin nga ako makapaniwala na isa ako du’n sa mga main,” sambit niya.

Patuloy pa ni Carlo, “Para mabigyan ako ng chance nina Miss Ginny (Ocampo, Business Unit Head) ng ganu’n, na ganito kalaki, ‘yung gratitude, ‘yung… hindi matatapos ang pasasalamat ko talaga,” pagtatapos ng aktor.