Aga Muhlach magbabalik pelikula na

Aga Muhlach reveals the reasons that made him accept his comeback movie Seven Sundays.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/28/2017 11:57 AM
Aga Muhlach magbabalik pelikula na


 

After six years, muling nagbabalik showbiz ang aktor na si Aga Muhlach upang gumawa ng isang pelikula sa Star Cinema na may working title na Seven Sundays. Dito nakatakda niyang makasama sina Ronaldo Valdez, Dingdong Dantes, Enrique Gil, at Cristine Reyes.

Kuwento ni Aga, kinakabahan siya dahil anim na taon siyang nagpahinga sa pag-arte

"Nakakanerbiyos pero ayos lang. Pero mas masaya ako kaysa sa nerbiyos. I'm happy na I'm working with Enrique. Gusto ko makita na pinagkakaguluhan sila," natatawa niyang pahayag.

Aniya ang magandang istorya at ang hindi pagkailangan ng pag-reduce sa kanyang timbang ang mga dahilan kaya nakumbinisi siya tanggapin ang proyekto.

Sa kanyang anim na taong pagpapahinga, aminado si Aga na namiss niya ang kinalakihang trabaho.

"Itong paggawa ng pelikula… Yes, kinakabahan ako. Sigurado yan take two take two. Parang ‘pasensya na muna direk’ pero I'm so looking forward to it," ani pa nito.

Sa kanyang pagbabalik, marami din ang excited, kabilang na ang kanyang mga naging leading lady gaya nila Sharon Cuneta at Lea Salonga na looking forward na maka-trabaho siyang muli.

"We will take it as it comes, one step at a time so I'm happy to be doing this project first. Yun muna. And that's always flattering when people want to work with you. I’d like to work with them too," pahayag pa ni Aga.

Nakatakda nang simulan ang shooting ng pelikula anytime soon na target ipalabas Oktubre ngayong taon.