• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao hints about thinking of retiring from showbiz.

Shaina Magdayao, may balak mag-madre?

Shaina Magdayao hints about thinking of retiring from showbiz.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/27/2017 10:09 AM
Shaina Magdayao, may balak mag-madre?

 

Medyo shocking ang naging pahayag ni Shaina Magdayao, isa sa bida ng The Better Half, na balak na niya palang mag-quit sa showbiz four years ago para pasukin ang bokasyon ng pagma-madre.

Aniya, “Kasi parang feeling ko, may calling ako to serve. And at that time, malapit kasi ako sa mga madre. And hanggang ngayon naman, malapit ako sa mga madre.”


Pero hindi naman daw ito natuloy dahil hindi niya rin kayang iwan ang pag-arte at ang showbiz.

“Ilang beses ko nang sinabi na ayoko nang mag-showbiz or magku-quit na ako, magma-madre na lang ako, wala, eh. Laging may trabaho,” pag-amin pa niya.

At dahil hindi nga natuloy ang kanyang pagma-madre ay naisip na lang ni Shaina na magtayo ng isang foundation na tinawag niyang Smile Cares na ilo-launch ngayong June 29.

Ayon pa sa kanya,  matagal na raw niya ito ng pangparap and finally matutupad na nga.

“Ngayon, may persion ako which is the foundation and I guess, I realized na you don’t really have to be… (madre) to serve. So ‘yon yung pinagkakaabalahan ngayon,” lahad ng aktres.

Puro mga non-showbiz daw ang kasama niyang nagtatag ng foundation.

“We franchised this after-school program from the States. After school program siya but we have partner-schools here. Mga private schools.”

Tuwang-tuwa rin niyang ikinuwento na may nag-donate na raw ng lupa sa kanila na may sukat na 1 hectare at ang first project nila ay sustainable farming.

Paghahanda na ba ito sa kanyang pagre-retire sa showbiz?

“Eh kasi, gumi-give-up ‘yung katawan ko talaga ngayon, eh,” pabiro niyang pahayag.

Dugtong niya, “I just want to take care of my body better kasi hindi naman ako ganu’n ka-conscious ever since, eh. Pero ngayon, dahil nga nagkakasakit ako, mas nagiging conscious ako.

“But ever since naman, conscious ako sa finances ko and sa investment ko and alam n’yo naman na into business talaga ‘yung family ko.

“And siguro, ang laking tulong na I feel useful na maski hindi ako nag-aartista, parang feeling ko through the foundation, I’ll be able to serve also,” deklara pa ni Shaina.

Posible bang after The Better Half ay magretiro na siya?

“Well, I’m under contract (with ABS-CBN), so, wala akong choice. But I have one more year, but that’s one more year, let’s see what will happen after,” pagtatapos ni Shaina.