• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gomez says that for now he is focused on being the mayor of Ormoc.

Richard Gomez magpapahinga muna sa showbiz

Richard Gomez says that for now he is focused on being the mayor of Ormoc.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/27/2017 10:07 AM
Richard Gomez magpapahinga muna sa showbiz

 

Masaya at thankful ang actor turned politician na si Mayor Richard Gomez para sa tuloy-tuloy na pag asenso ng kanyang pinagsisilbihang lungsod ng Ormoc.

Mula sa iba't-ibang programa na kanyang inilulunsad, hindi makapaniwala si Goma na unti-unti na niyang niyayakap ang pagiging isang ganap na politician.


"Nag aadjust pa din, marami pa tayong improvements na kailangan gawin pero ang sa akin lang, I'm very oriented. I know what I want to do for the people of Ormoc." 

Dahil abala siya ngayon sa pagbibigay serbisyo para sa kanyang bayan, aminado si Goma na wala muna sa prioridad niya ngayon ang tumanggap ng showbiz commitments.

"Actually marami talaga na I have to say no. Nakakalungkot in a way na I have to turn it down pero again trabaho muna ako sa pagka-mayor ko. Siguro konting panahon lang, kung pa isa-isa lang kaya naman siguro gawin yun wag lang talaga sunod-sunod," sabi pa ni Goma.

Humingi din ng pag-unawa si Goma sa kanyang mga fans na patuloy na nag-aabang sa kanya. Aniya focus muna niya na pagandahin ang Ormoc bago siya bumalik sa pag-arte.

Ayon din kay Goma, bukas din siya sa posibilad na pagbabalik-tambalan nila ni Sharon Cuneta kung mabibigyan muli ng pagkakataon.

"Yes, of course oo. I'm hoping lang na makakapaghintay kasi right now talagang hindi muna pwede. Siguro given a little more time baka pwede akong makagawa ulit," sabi pa nito.

Dagdag pa ni Goma, "Siguro baka within the next few months baka hindi niyo muna ako makita sa TV pero abangan niyo yung mga ginagawa ko sa social media, parang ganun na lang muna siguro," pahayag pa nito.


Samantala nagpahayag din si Mayor Richard ng kanyang pagsuporta para sa kanyang only daughter na si Juliana kung sakaling papasukin na din nito ang mundo ng showbiz.

"It's really up to Juliana if she wants to enter showbiz. If she decides that she wants to, then I will be there to support her," pahayag pa ni Goma.