• Home
  • Fresh Scoops
  • Edgar Allan Guzman is proud to be headlining a Carlos Palanca award-winning story this year.

Edgar Allan Guzman on accepting gay roles: ‘Hindi ko kailangan ng opinyon ng ibang tao’

Edgar Allan Guzman is proud to be headlining a Carlos Palanca award-winning story this year.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

06/27/2017 09:23 AM
Edgar Allan Guzman on accepting gay roles: ‘Hindi ko kailangan ng opinyon ng ibang tao’

 

After being cast as one of the leads in the Carlos Palanca award-winning story about two gay best friends in Deadma Walking, Edgar Allan Guzman admitted he feels the pressure after the success of the Metro Manila Film Fest blockbuster Die Beautiful which also featured gay lead roles. “Siyempre pressure yun kasi yung Die Beautiful maraming nakuhang awards di ba? Ita-try namin yun lang yung masasabi ko. Pero nakakatuwa kasi yun yung binansagan nila sa amin. Kumbaga Die Beautiful of the year. Pressured kami pero i-ta-try namin maabot yung expectations ng mga tao,” he shared.

EA admitted they are currently shooting the film in the hopes that it will qualify for this year’s Metro Manila Film Festival. “Yes merong plans and we’re excited. Kumbaga hindi namin in a bad [way] kinukuha na pressured kami. Kinukuha namin siya in a good kind of pressure na dapat excited kami kasi sa Metro Manila Filmfest sana kunin. Kung kunin siya, maraming manunuod. Maraming makakakita nung kung gaano kaganda yung storya, kung gaano kaganda yung script. Pressure pero gusto namin makapasok talaga. Kasi maganda talaga. Tingnan mo yung Die Beautiful marami silang nakuhang awards,” he explained.


As a former backup dancer to his now co-star Joross Gamboa, EA said he never expected to make it this far in showbiz. “Kami ni Gerald Anderson kami yung mga dancers niya na kasama during mall shows at mga out-of-town shows niya. So yun lang kami dati. Ngayon nakakatuwa na first time namin bibida sa isang pelikula. Sa side ko nakakatuwa kasi parang dati nasa likod niya lang ako, tinuturuan ko siya. Ngayon kumbaga kami na ang bida sa isang pelikula tapos hindi na kami nagtuturuan. Sabay na kami sa talent kung ano yung kaya namin gawin sabay na kami. Sa part ko nakakatuwa lang kasi ganung level na kami. Kumbaga sabay kaming aangat dito. Nakakatuwa lang. Wala talaga akong planong mag-artista kaya ko lang siya ginagawa because of sa family ko,” he said.

Financial need was EA’s top reason to start acting. “Gusto ko lang makatulong financially. Kasi nung time na yun namatay yung daddy ko so wala ngang trabaho yung mommy ko so kaming magkakapatid yung nagtulong-tulong para magkaroon ng pera yung family. So yun lang talaga yung goal ko at that time. Hindi ko talaga inisip na kailangan aarte ako, kailangan sumikat ako. Never ko inisip yun. Kaya si God lang talaga yung naglagay sa akin dito and nakakatuwa lang sa part ko isipin na umabot kami sa ganito,” he added.

After doing several gay roles, EA shared why he is not afraid of being typecast or mistaken for being gay in real life. “Actually ako naman tumatayo naman ako sa sarili ko. Kumbaga hindi ko kailangan ng opinyon ng ibang tao. It’s my own decision and my manager’s decision kung ano yugn gagawin namin kasi kaming dalawa yung nagkakaintindihan. Hindi kailangan ng ibang tao na isasali ko. No, akin yun. Hindi ko kailangan ng approval ng ibang tao para lang tanggapin ang isang proyekto. Never kong ginawa sa lahat, sa showbiz hindi. Kumbaga yung mga projects ko ako lang yun at si sir Noel (Ferrer). Kahit yung family ko or yung mommy ko sasabihan ko na lang pag tinanggap ko na. Kasi tiwala naman ako sa sarili ko na hindi naman ako gagawa ng desisyon na may regrets ako after,” he explained.