• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakatakda ipalabas ngayon Oktubre ang family-oriented movie mula sa Star Cinema.

Aga Muhlach, Dingdong Dantes Enrique Gil at Cristine Reyes magsasama sa isang family movie

Nakatakda ipalabas ngayon Oktubre ang family-oriented movie mula sa Star Cinema.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/28/2017 04:38 AM
Aga Muhlach, Dingdong Dantes Enrique Gil at Cristine Reyes magsasama sa isang family movie
 
 

Aabangan panigurado ang pagsasama sama nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, Cristine Reyes at Ronaldo Valdez para sa isang natatanging family oriented movie na may working title na "Seven Sundays." 


Sa naganap na story conference ng pelikula, inihayag ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina ang kanyang pananabik para sa proyekto.

"Kinakabahan ako this is the first time na magiging direktor ako ni Kuya Aga, na pangarap ko lang dati," pahayag ni Direk Cathy.


More than kaba, excitement naman ang nararamdaman ni Aga Muhlach para sa kanyang pagbabalik pelikula after six years.

"Nakakanerbyos pero ayos lang and then working these young people, [Enrique Gil] gusto kong makita na pinagkakaguluhan siya and Si Cristine as well as Dingdong Dantes, first time ko sila makakasama lahat," dagdag pa ni Aga.

Matapos naman magpaiyak ng kanyang mga naging asawa sa pelikula, excited din si Dingdong para sa kanyang pagbabalik sa Star Cinema.

"Iba yung feeling na pag may trust involved, just like any family may trust involved din sa mga ginagawa mong craft," ani ni Dingdong.

Dream come true naman para kay Cristine Reyes ang makasama si Aga sa isang proyekto.

"Dream ko makasama si Aga Muhlach so I'm very, very nervous. Feeling ko baguhan ako, as in parang pag makakaharap ko siya sa eksena feeling ko kaba," ani pa ng aktres.

Bagaman nasanay sa romantic themed movies kakaibang experience naman para kay Enrique ang gumawa ng family oriented movie.

"I'm just excited, first time ko gagawa ng family movie kasama pa sila kasi medyo nasanay ako na laging love team so I wanna do something different," pahayag pa nito.

Nakatakda mag-umpisa ang first shooting day ng pelikula anumang araw at target na maipalabas ito sa Oktubre ngayong taon.