Myrtle Sarrosa graduates from UP with honors

Sinabi ng former PBB Teen Big Winner na hirap at sakripiso an pinagdaanan niya bago nakamit ang kanyang diploma.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/25/2017 5:57 PM
Myrtle Sarrosa graduates from UP with honors


Isang malaking achievement para kay Myrtle Sarrosa ang makapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kabila ng kanyang pagiging aktibo sa showbiz.

Ngayong Linggo (June24) isa si Myrtle sa nagtapos ng Broadcast Communications sa University of the Philippines, Diliman kaya naman all smiles at teary-eyed and dalaga sa kanyang pag marcha at all pag tanggap ng diploma sa kanyang graduation.

 

 

After six years, three courses, nine semesters, one reality TV show, twelve teleseryes and over fifty television shows – I’m finally here today. To be honest, I never thought I’d see this day coming. After numerous struggles that came my way, there were several times where I doubted myself, cried and just wanted to give up. But despite the overwhelming odds against me, someway and somehow I made it with the help of God, my family, friends, professors, classmates and workmates. Like they say… the struggle is real but it’s all worth it. Myrtle Abigail P. Sarrosa Univeristy of the Philippines Diliman BA Broadcast Communication Cum Laude P.S. The Sunflowers are given to me as a gift and not cut from the garden. 🌻

A post shared by Myrtle Sarrosa (@myrtlegail) on

Bago ang naging tagumpay ni Myrtle, hirap at sakripisyo din ang kanyang pinagdaanan.

"Sobrang hirap sa totoo lang maraming mga gabi na parang sumusuko na ako minsan parang ayoko ng mag aral parang gusto ko na lang mag trabaho pero at the same time parang everytime na gusto ko na sumuko mas pinush ko na lang sarili ko," ani ni Myrtle.

Kuwento pa ng dalaga dahil sa mga hindi maiiwasang showbiz commitment pansamantala din siyang natigil ng isang semestre at naging dahilan ng muntik na niyang hindi pagtatapos.

"Inappeal namin yung case ko tapos na realize nila na may working students na nagta-trabaho para makabayad ng tuition fees nila tapos na realize nila na dapat bigyan pa rin sila ng chance to have that honor."

Dumaan man sa mga pagsubok ang pag-abot sa kanyang pangarap hindi tumigil si Myrtle para makamtan ang ang kanyang pangarap na tagumpay.

"Na-realize ko na yung education yun talaga ang pinaka greatest na investment na maibibigay mo sa sarili mo tapos the greatest gift din na maibibigay mo sa mga magulang mo," pagtatapos na pahayag ni Myrtle.