• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa naganap na launching ng Timeless Health and Beauty Products, namataan natin ang isa sa mga malalapit na kaibigan ng dating child star at isa sa mga bida ng award winning movie na Magnifico na si Gi

Former actress Girlie Sevilla talks about Jiro Manio

Sa naganap na launching ng Timeless Health and Beauty Products, namataan natin ang isa sa mga malalapit na kaibigan ng dating child star at isa sa mga bida ng award winning movie na Magnifico na si Gi

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/26/2017 04:28 AM
Former actress Girlie Sevilla talks about Jiro Manio

Bukod sa showbiz life, isa din sa mga inaalala ni Girlie ang kanyang malapit na kaibigan at tinuturing na kapatid na si Jiro Manio na lumabas na sa rehab kamakailan.

Read: Jiro Manio lumabas na ng rehab

"Actually si Jiro, way, way back siguro, isang dekada na din po, parang baby brother na namin siya nila Isabella De Leon, so from the time na we found out about it [Jiro Manio's Situation] we felt really bad, we wanted to take him in kasi pamilya na ang turing namin sa bawat isa," sabi pa ni Girlie.


Kuwento pa ng dating aktres, sinubukan niya noon na makipagtulungan sa pamilya ni Jiro upang makapagbigay ng kaunting suporta para dito.

"From the time na nakita namin sa news yung nangyari sa kanya, ako together with Isabella and Daddy D, we were thinking na pick him up sa airport tapos bring him in, kaso nung time na yun mabilisan lang kung sino ang mauna to rescue him at least we were blessed na andoon si Ms. Ai-Ai (Delas Alas) to help Jiro," paliwanag ni Girlie.

Unti-unti man nakakarecover si Jiro sa mga pinagdaanan nito, tuloy pa din daw ni Girlie at ng kanyang mga kasamahan sa Magnifico na magbigay pa din ng suporta para kay Jiro sa abot ng kanilang makakaya.

"From time to time we check on him, kung ano na ang lagay niya, update with his family. Sa totoo lang, we felt really bad, but hopeful kami na he would come back," pagatatapos na pahayag ni Girlie.