Exclusive: Loisa Andalio, di ikinahihiyang jologs siya at hindi magaling sa English

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/26/2017 04:22 AM
Exclusive: Loisa Andalio, di ikinahihiyang jologs siya at hindi magaling sa English

“Wala na po, eh. Ano na ako, eh… pero parang mahirap din, dati kasi lagi kaming magkasama sa taping and after no’n di ba nagkaroon agad ng ibang ka-love team and siya may ibang love team din.

<p>“Parang mas iba na yung priority po namin. Ang priority talaga po namin ngayon ay ito pong trabaho namin,” reaksyon ng magandang dalaga na part ng 4 of A Kind concert kasama sina Sue Ramirez, Maris Racal at Kristel Fulgar.

<p>Mabuti na nga lang daw na kahit iba na ang naging partner ni Joshua ay hindi naman siya napag-iwanan.

<p>“Laban lang po talaga, as in. Yon din po yung nababasa ko dati na dahil wala na akong ka-love team, mawawala na ako. So, andito pa rin ako to prove na hindi naman kailangan ng love team din para sumikat talaga,” rason pa ni Loisa.

<p>Hindi naman ikinahiya ni Loisa kahit pa tawagin siyang jologs ng mga tao dahil sa barok niyang pag-i-Ingles. “Eh, ako naman talaga yon,” sabi agad niya. “Hindi talaga kasi ako ma-Ingles na tao. Sa taping nga kapag may lines ako na English, Tatagalugin ko na lang… mga ganyan.

<p>“Kasi, eto ako, eh. Kumbaga, mas confident ako dito, sa pagbitaw ko ng linyang ito. As in kahit may kausap akong Inglisero ang sagot ko sa kanya Tagalog. Naiintindihan ko naman yung sinasabi nila, hirap lang ako i-express kaya tinatagalog ko.”

<p>Patuloy pa ni Loisa, “Hindi po kasi talaga ako lumaki sa pamilyang Inglisero at Inglisera. Tagalog po talaga kami.

<p>“Laking kalye din po kasi talaga ako. Before ako mag-showbiz, 6 to 14 years old, naglalaro ako sa kalye at lagi akong nasa labas ng bahay namin – patentero, luksong-baka.”

<p>Umaasa naman si Loisa na mamahalin siya ng fans kahit pa isa siyang jologs at hindi magaling mag-Ingles.

<p>“Feeling ko, opo. Kasi gusto ko sila na maka-relate sa akin at ma-inspire na walang mali na hindi ka nakikisabay sa mga sosyal-sosyal. Hindi mo kailangang mag-pretend na hindi naman ikaw. Maging totoo ka lang, at least hindi ka nahihirapan na itago yung sarili mo, nai-enjoy mo pa yung mga ginagawa mo,” nakangiting pagtatapos ni Loisa.