• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolo Revilla is also happy that Jodi Sta. Maria is continuing to pursue a college degree.

Jolo Revilla speaks up about his relationship status with Jodi Sta. Maria

Jolo Revilla is also happy that Jodi Sta. Maria is continuing to pursue a college degree.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/24/2017 10:34 AM
Jolo Revilla speaks up about his relationship status with Jodi Sta. Maria
Jolo Revilla's photo credits to ABS-CBN News

 

Present sa naganap ng cityhood anniversary ng Bacoor, Cavite ang actor politician na si Jolo Revilla. Dito nagbigay ng update si Jolo tungkol sa kanyang mga pinagkaka-abalahan ngayon, kabilang na ang kanyang mga plano sa pagbabalik sa pag-arte.

"Kung uukol, bubukol. I'm not closing any doors pero ngayon ang priority natin is public service, pero sa [acting] ngayon wala pa," pahayag ni Jolo.


Aminado si Jolo na big fan siya ng top-rating teleserye ng kapamilya network na FPJ's Ang Probinsyano. Aniya kung may pagkakataon na bigyan siya ng role dito ay hindi niya ito tatanggihan.

Bukod sa kanyang planong pagbabalik-acting, nagbigay pahayag din si Jolo tungkol sa isa sa pinakamalapit na babae sa kanya ngayon na si Jodi Sta. Maria na nagbalik sa kanyang pag-aaral.

"Isa ako sa pinakamasayang tao dahil makakamtan na din niya yung pangarap niya na maging isang duktor dahil siya ngayon ay nagsa-Psychology e, so I'm very happy for her," ani pa ni Jolo.

Proud din si Jolo para sa kanyang inspirasyon dahil kahit na hectic ang schedule nito ay nabigyang oras pa din nito ang kanyang parangarap na makapagtapos.

"Nakita naman natin na sunod-sunod e (projects). Kumbaga binigyan din siya ng priority nung school dahil may home study din yung paaralan na yun. Kaya nag-grab lang din siya nung opportunity na yun and tingin ko naka-focus pa din naman siya sa showbiz. Kumbaga dun sa mga libre niyang oras sinasama niya ang pag-aaral," saad pa ni Jolo.

Pahayag pa ni Jolo na sa kabila ng mga kontrobersiya sa kanilang paligid, nanatili naman na matibay ang kanilang samahan.

"All I can say is that a... kung ano yung meron man kami ngayon, masaya po kami," pagtatapos na pahayag ni Jolo.