Pinakilig ni Julia Barretto ang kanyang Instagram followers matapos niyang i-post ang isang handwritten letter na galing sa taong letter “J” ang simula ng pangalan. Marami ang nakahalata na galing ito sa kanyang onscreen partner na si Joshua Garcia.
Ayon sa sulat, may sakit si Julia at sinabing magpagaling siya. Pati ang kapwa artista nila tulad nina Janella Salvador, Iza Calzado, at Liza Soberano ay kinilig sa post na ito.
Naunang nagtambal ang dalawa sa pelikulang Vince and Kath and James.