EXCLUSIVE: Sarah Lahbati tiyaga muna sa toy poodle habang di pa nasusundan si Zion

Sarah Lahbati admit she wants another baby soon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/23/2017 10:00 AM
EXCLUSIVE: Sarah Lahbati tiyaga muna sa toy poodle habang di pa nasusundan si Zion

 

Sa advance screening ng pelikulang Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz ng Viva and Kamikaze films na ginanap sa Robinsons Movieworld ay inamin ni Sarah Lahbati, isa sa mga bida, na hindi na niya matandaan kung kailan siya huling gumawa ng pelikula.

“Hindi ko na talaga matandaan. Nabaon na sa baul ko yung mga past,” natatawa niyang pahayag sa PUSH.


“Pero itong Pagsanib Kay Leah dela Cruz, first ko sa Viva,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Sarah, na-challenge siya sa role na ginampanan niya sa unang pelikula niya sa Viva.

“Dito kasi, I play detective at ngayon lang po ako nag-play ng ganitong role which is very challenging and fun at the same time. Very satisfying din siya because I’m a tough girl, I love working out, doing fight scenes. Salamat naman at nabigyan ako ng ganitong chance,” sambit pa niya.

Welcome din ba sa kanya ang tumanggap ng sexy roles sa pelikula?

“I don’t mind. But I’d rather do an acting piece than show off my body. Anything that is good for acting I will accept,” she said.

Now that Richard Gutierrez is busy with La Luna Sangre ay mukhang hindi na muna masusundan ang anak nilang si Baby Zion.

“Ako talaga, gusto ko na, I’m just waiting for the right time,” pag-amin ni Sarah.

Patuloy pa niya, “Naghahanap na rin siya (ng kapatid). Eh, siyempre, kailangan i-timing yon. Hindi nama puwedeng half-committed kami pag gumawa ng baby tapos hindi namin maaalagaan.

“Madali lang naman gumawa (ng baby), eh. Ang mahirap yung nine months (ng pagbubuntis).”

At dahil made-delay nga ang paggawa nila ng baby ni Chard, may naisip na paraan si Sarah para hindi maghanap si Zion ng kapatid.

“Kaya bumili muna ako ng aso. Bumili ako ng toy poodle para kay Zion at para sa akin. Para may laruan kami super love niya yung dog. Mason ang name niya,” pahayag pa ni Sarah.

Showing na sa June 28 ang Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz na pinagbibidahan din nina Shy Carlos at Julian Trono. Sa direksyon ito ni Katsy Flores and presented by Erik Matti Production.