• Home
  • Fresh Scoops
  • Balak ng film producer na dalhin din ang mga bida ng “Battleship Island” na sina Song Joong-ki at So Ji-sub.

Vic del Rosario fina-finalize ang movie ni Anne Curtis kasama ang sikat na Korean actor

Balak ng film producer na dalhin din ang mga bida ng “Battleship Island” na sina Song Joong-ki at So Ji-sub.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/22/2017 06:36 PM
Vic del Rosario fina-finalize ang movie ni Anne Curtis kasama ang sikat na Korean actor

 

Wala nang atrasan. Tuloy na tuloy na nga ang pelikula ni Anne Curtis kasama ang isang sikat na Korean actor!

Ayon sa mga taga-Viva, last Sunday ay nagpunta ulit ng Korea si Vic del Rosario para plantsahin ang mga bagay-bagay at makipagkita sa kanyang Korean business partners doon. Ilang beses nang bumalik sa Korea si Boss Vic para makipag-negotiate.


Ang nasabing pelikula na gagawin ni Anne kasama ang Korean actor ang itinuturing ng aktres na “dream come true” project niya.

Wala namang pangalang binanggit si Boss Vic kung sino ang Korean actor na makakatrabaho ni Anne. Ang sinigurado lang niya ay sikat daw ito dito sa Pilipinas at kilalang-kilala ng mga Pinoy na mahilig manood ng Korean drama.

Naku, hindi kaya si Gong Yoo na bida ng “Goblin” series na napapanood sa ABS-CBN ang tinutukoy ni Boss Vic?

Sabi pa nga ni Boss Vic, “Basta magugulat kayo. Aayusin ko lang.”

Very vocal kasi si Anne as pagsasabing ultimate leading man niya si Gong na naging bida rin sa pelikulang Train To Busan na nag-hit nang bonggang-bongga sa Pilipinas at sa ibang panig ng mundo.

Bukod pa sa tinatrabahung project ni Boss Vic, nakuha rin ng Viva ang distribution ng isa sa pinakamala­king Korean period movie na “Battleship Island” na pinagbibidahan ng dalawang pinakasikat na Korean actor na sina Song Joong-ki at So Ji-sub. Si Joong-ki ay bida ng sikat na K-drama na “Descendants of the Sun” while si Ji-sub ay bida sa “Oh My Venus.

Siguradong ikababaliw ng Pinoy fans ni Song Joong Ki at So Ji-sub ang balitang nakikipag-negotiate din si Boss Vic sa producer ng “Battleship Island” para makapunta ang mga nasabing bida sa ating bansa para mai-promote ang pelikula.