• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao admits her demanding role in ‘The Better Half’ has affected her health.

Shaina Magdayao, umaming may sakit na parang sa nagme-menopause

Shaina Magdayao admits her demanding role in ‘The Better Half’ has affected her health.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/22/2017 11:42 AM
Shaina Magdayao, umaming may sakit na parang sa nagme-menopause

 

Hindi maiwasang magkasakit ni Shaina Magdayao dahil sa taping ng seryeng The Better Half ng ABS-CBN. Pati immune system daw niya ay humihina dahil sa pino-portray niyang character (Camille) sa TV series.

“Sa sobrang nadadala, pati immune system ko inabot na. Kasi, stressed talaga ‘yung katawan namin, sa totoong buhay. Kung ano-anong tumutubo at namamaga sa mukha ko. And first time siyang nangyayari,” pabiro niyang pahayag.


Pero totoo raw naman na na-diagnose siya hypothyroid two years ago.

Aniya, “Sakit siya ng nagme-menopause. Siguro kasi, I started working at a very young age. Walang enough tulog, puro puyat. Tapos nung January, namamaga ‘yung lips ko. So, meron akong angioedema and urticaria.

“So, lahat ng espeyalista, na-ano ko, specialist, ‘yung immunologist, nagpa-check-up na ako kasi hindi namin alam kung ano ang nangyayari.

“Eh at that time, nagti-taping kami sa Baguio and hindi nila ako mapababa ng Manila kahit na ini-injection-an ako ng pampatulog, ng Benadryl, ng anti-histamine.

“So, parang six hours, pinatulog ako, na-subside ‘yung lips. But we don’t know, kasi parang sabi namin, bakit ganu’n, parang bumabagsak ‘yung immune system, kasi nga naman, sobrang pagod ko talaga sa show na ‘to.”

Patuloy pa ni Shaina, “Sobra kasi yung puyat, emotionally draining, physically draining. So, I guess, kaya lumabas ‘yung mga sakit.

So, I had to see specialists—endocrinologist for my thyroid and immunologist for my immune system kasi nga bumabagsak siya. And it’s not normal na may namamaga, namamaga ‘yung mata mo, namamaga ‘yung cheeks mo. It’s not normal na namamaga lang ‘yung sistema mo and everything.”

Mabuti na lang daw at may maintenance siya sa hypothyroid.

“Pag walang taping, nagre-relax ako, nagwo-work-out, kailangan may ganu’n, kasi nai-stress, and ‘yung stress, pumapasok siya sa sistema ko. Kasi, hindi mo pwedeng pekein itong show na ito, eh.

“’Yung si Camille (her character), hindi mo pwedeng magpatulo ka na lang ng luha, madali lang magpatulo ng luha pero ‘yung emotions, ‘yung pinanggagalingan, ‘yung bigat, kailangan, bitbit mo ‘yun, and it’s no joke.

“Ito na yata ang pinakamahirap na show na ginawa ko, but because, napakagaan nilang katrabaho, my co-actors, ang gaan nilang katrabaho, like gaya nga ni JC (de Vera), lahat kami nag-aaral kami talaga ng eksena,” kuwento pa ng aktres.