• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagreact din ang aktres sa pagkakasali niya sa listahan ng mga sexiest Pinay.

Nadine Lustre sinagot ang chismis na buntis daw siya

Nagreact din ang aktres sa pagkakasali niya sa listahan ng mga sexiest Pinay.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/22/2017 03:31 PM
Nadine Lustre sinagot ang chismis na buntis daw siya

 

Kasunod ng iba't ibang issue na ibinabato ngayon sa tambalan nina James Reid at Nadine Lustre, panibagong issue muli ngayon ang ibinabato kay Nadine tungkol naman umano sa pag dadalang tao nito.

Sa panayam na ito kay Nadine sa backstage ng It’s Showtime, pinagtawanan lang ng dalaga ang mga naglabasang fake news na ito na laban sa kanya.


"Hindi ko po alam. (laughs) Baka pagkain lang po yung nasa loob ng tiyan ko," sagot ng dalaga.

Isa ngayon si Nadine sa mga nangunguna sa top 100 list bilang sexiest Pinay ng isang men's magazine kung kaya extra effort din kay Nadine ngayon ang pag maintain ng sexy body.

"Nag-gi-gym po ako pero hindi siya regular. Controlled eating lang po ako talaga," ani pa ni Nadine

Bukod sa pag maintain ng kanyang sexy body, masayang-masaya ngayon si Nadine para sa pagiging regular co-host nila ni James sa It's Showtime, kung saan natututo siya sa pakikisalamuha sa iba't ibang tao.

 

 

Nadine's first day as a regular host in Showtime. Welcome to the family!!! @nadzlustre

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

"Maging open ka lang sa lahat ng sasabihin mo. Siyempre nakaka-relate ka sa iba't ibang klase ng tao. Nakaka-relate ako kina Vice. Natututo ako mag-host," saad pa ni Nadine.

Dito nagbigay pahayag din ang aktres tungkol sa pag sagot niya sa isang basher na nagkakalat ng mga kasinungalingang balita laban sa kanila ng kanyang boyfriend at on screen partner.

READ: Nadine Lustre shuts down bashers who are linking James Reid to her best friend

"May times na dedma ka lang, may times din talaga na kailangan mag-speak up ka," matipid na sagot ni Nadine.