• Home
  • Fresh Scoops
  • Maymay Entrata also says fans should watch out for her character in ‘La Luna Sangre.’

Maymay Entrata’s debut album is already sold out

Maymay Entrata also says fans should watch out for her character in ‘La Luna Sangre.’

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/22/2017 11:43 AM
Maymay Entrata’s debut album is already sold out

 

Dinumog ng mga supporters ni Maymay Entrata ang kanyang launch para sa kanyang self-titled album under Star Music na ginanap sa SM Skydome.

Kasama ang kanyang mga fans, present din para magbigay suporta sa kanya ang mga kaibigan niyang sina Yong Muhajil, Vivoree Esclito, Marco Gallo, at Kisses Delavin. Nandun din si Edward Barber na all-out ang naging suporta para kay Maymay.


 

Kuwento ni Maymay hindi niya inakala ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon sa pagdating sa kanyang career.

"Noon po kasi parang pa char-char lang na kaya ngayon bigla na binigay sa akin tapos malakihan pa kaya masayang masaya po ako, sobra talaga lalo na sa mga na-inspire sa buhay ko talaga."

Aminado si Maymay na bago pa man siya maging housemate ni Kuya sa Pinoy Big Brother house, malapit na talaga ang musika sa kanyang puso na personal niyang ginagawa para sa kanyang inspirasyon.

 

 

Maymay Entrata @maymay_entrata0506 #maymayentrata all set na para sa kanyang first album launch #mayward

A post shared by Push (@pushalerts) on

"Noon po kasi nagka-crush po ako, talagang crush ng campus. Hindi ko siya maabot-abot kaya doon ko na lang nilalabas," ani pa ni Maymay.

Bukod sa kanyang sold-out album, inaabangan na din ang dalaga para sa kanyang appearance sa top rating teleserye na La Luna Sangre. Kuwento pa ni Maymay, talaga daw aabangan daw ang kanyang karakter na sikreto daw muna sa ngayon.

"Opo nag-taping na po kami. Basta ‘wag po sila mag-expect ng kung ano imortal ba ako kasi baka mag-abang sila basta masaya po ang character ko dito," pagbibiro ni Maymay.

Dahil unti-unti ng naabot ni Maymay ang kanyang pangarap, nakalista daw ngayon ang mga goals na nais pa niyang abutin para sa kanyang pamilya kabilang na ang bahay at kotse.

"Dapat ‘di tayo mag-stop ng mag-set ng goal sa buhay natin. Para kapag nagtatrabaho tayo may momentum tayo, mas nai-inspire tayo na maabot ang gusto natin," pagtatapos na pahayag ni Maymay.

Bukod sa sold-out album at iba't ibang TV appearances, nakatakda na din ang unang pelikula na pagsasamahan nila Maymay at Edward.