• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Thess Pineda, masamang ihemplo ang nakapaligid sa kanyang apo.

Lola ni Charice, hindi naging masaya sa pagpalit niya ng pangalan

Sinabi ni Thess Pineda, masamang ihemplo ang nakapaligid sa kanyang apo.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

06/22/2017 11:35 AM
Lola ni Charice, hindi naging masaya sa pagpalit niya ng pangalan

 

Marami man ang natuwa sa pagbabago ng pangalan ni Charice na kilala na ngayon bilang si Jake Zyrus, hindi pabor ang lola niya dito na si Thess Pineda. Sinabi ng lola, na nagsabing siya ang nagpalaki sa singer, na kinukunsinti lamang siya ng mga nakapaligid sa kanya at di niya gusto ang pilit na pagtanggal umano ni Charice sa pangalang Pempengco at Relucio.

“Gusto mong alisin ang Pempengco, ang dugo mo galing sa Pempengco at Relucio ngayon sa pangalan na gusto mo, nasa NSO ba ‘yan?” sabi ni Lola Thess sa kanyang post.


LOOK: Jake Zyrus tweets for the first time

CHARICE1.png

CHARICE2.png

CHARICE3.pngCHARICE4.png

Sinabi rin ni Lola Thess na pinatay ng mga tagahanga ng singer ang katauhan ni Charice.

“Kung ang pangalan ay isa lamang hadlang sa pagpapalaya ng totoo mong pagkatao, wala akong nakikitang masama sa pagpalit nito. #Congratsjake,” pahayag ng singer-actress.