• Home
  • Fresh Scoops
  • Renee Salud admits that the success of the last pageant will be hard to surpass or even equal.

EXCLUSIVE: Renee Salud on PH hosting Miss Universe: ‘Hindi na siya matutuloy’

Renee Salud admits that the success of the last pageant will be hard to surpass or even equal.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/22/2017 11:26 AM
EXCLUSIVE: Renee Salud on PH hosting Miss Universe: ‘Hindi na siya matutuloy’
Photo credits to the owner

 

Mula sa kabi-kabilang usapin ng muling pagdaraos ng Miss Universe sa Pilipinas, tila isang malungkot na balita naman ang naibahagi sa atin ng isa sa mga naging abala sa nakaraang pagdaraos ng 65th Miss Universe pageant sa Pilipinas na si Renee Salud.

Isa si Renee sa mga lumikha ng mga Philippine terno na ginamit ng ilan sa mga kandidata para sa piling programa ng Miss U.


 

Esto se llama experiencia🦁✨

A post shared by Mariam Habach Santucci (@mariamhabach) on

Sa exclusive interview na ito sa well-known fashion designer, ibinahagi nito ang ilan sa mga naging detalye ng kanilang pag-usap ni DOT Secretary Wanda Teo tungkol sa Miss U hosting.

"Hindi na. Hindi na siya matutuloy. Well bad news, sad news siguro to the aficionados kasi I just had a talk with the DOT Secretary Wanda Teo. Siyempre buhay ko din naman ang beauty contest so ngayon nagtanong ako kay Sec 'Totoo nga ba na gagawin dito ang Miss U?' Sabi niya 'Hindi na' kasi nga she had a very lengthy talk with Wilson Tieng (President of Solar Entertainment) supposedly they will be partners," ani pa ni Renee.

Paliwanag pa ng designer na naniniwala din ang ibang investors ng pageant na hindi din magandang panahon ito para mag host ng malaking event ang Pilipinas.

"Parang nag-advise si Wilson kay Sec na huwag muna dahil sa success of the last Miss Universe last year is hard to... hard to get even with kung hindi man ma even with hindi pwedeng ma surpass, especially ngayon na there's a Marawi incident baka marami ang ma-offend."

Bilang isa din sa mga aficionado ng beauty pageant, aniya masaya siya para sa naging desisyon ng DOT kahit na isa pa siya sa mga makikinabang sa pagdiriwang na ito.

"Well the secretary naman is very open for the suggestion and she thought it also so most probably it will be moved some other year. Ako malulungkot ako dahil makikinabang ako pero alam ko na ika gagaling ito ng ating bansa atsaka

ng DOT kaya palakpak ako sa decision na ito," pagtatapos na pahayag ni Renee Salud.

Sa ngayon wala pang opisyal na pahayag ang Department of Tourism at ang Miss Universe Organization tungkol sa next host country ng Miss Universe pageant.