• Home
  • Fresh Scoops
  • Wacky Kiray shares what he plans to do with his I Can Do That cash prize.

Wacky Kiray says he and Cristine Reyes have already settled their issue

Wacky Kiray shares what he plans to do with his I Can Do That cash prize.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/21/2017 10:57 AM
Wacky Kiray says he and Cristine Reyes have already settled their issue

 

Tuloy tuloy na blessings ngayon ang dumarating sa komedyanteng si Wacky Kiray pagkatapos ang mga buwis buhay na performance niya sa katatapos lang na I Can Do That kung saan siya ang tinanghal na champion.

Mula sa one million pesos na kanyang napalalunan, todo kayod muli ang komedyante para madagdagan ang kanyang ipon para sa kanyang magandang plano sa kanyang pamilya.


 

"Ang plano ko sa napanalunan ko ipon ipon pa ng konti kasi plano ko bumili ng bahay at lupa para sa mga magulang ko. Kasi matagal ko ng dream yun noon noon pa," sabi pa ng komedyante.

Bukod sa cash prize na kanyang naiuwi, masuwerte ding makakasama si Wacky Kiray sa isang pelikula.

 

"Sobrang blessings nga eh. Heto may movie kami nila Vice (Ganda), Pia (Wurtzbach) at Daniel Padilla kaya it’s a big break for me, thank you Lord!" ani pa nito.

Tinapos naman ni Wacky Kiray ang issue ng umano'y samaan nila ng loob ng kapwa I Candidate na si Cristine Reyes.

Matatandaan na umamin si Cristine sa guesting nito sa Magandang Buhay na sumama ang kanyang loob nang si Wacky Kiray ang tinanghal na Greatest Entertainer.

 

"Yes nagkausap kami noon kasi nagkaroon ng victory party. Nagyakapan kami. Sabi namin kalimutan na ang mga bagay bagay na ganun. Nilabas nya lang nararamdaman nya kasi ganun siya eh," pahayag pa ni Wacky Kiray.

Sa ngayon looking forward na si Wacky Kiray para sa first taping ng upcoming movie ng Star Cinema na may working title na Superhero.