• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang will have to take a break from her shows and from work.

Pokwang reveals details of her pregnancy and what they plan to do

Pokwang will have to take a break from her shows and from work.

BY
ABS-CBN Corporate Communications
test

FRESH SCOOPS

06/21/2017 11:06 AM
Pokwang reveals details of her pregnancy and what they plan to do

 

Nagkaroon kami ng mahabang paguusap ni Pokwang, na alam ng lahat ay soon-to-be-mom na. Naikuwento sa amin ni Pokwang ang buong detalye ng kanyang pagbubuntis na medyo maselan.

"June 1 kasi dapat may period na ako. E wala pa, kaya nung June 10, nagpabili ako ng pregnancy kit sa make up artist ko, kay Roviel, yun na! Doon ko nalaman na buntis pala ako.


"Agad agad nagpunta kami ni Lee (O’ Brien) sa doktor. Seven weeks na pala akong buntis," kuwento ni Pokwang.

Sa ngayon, kailangan niyang talikuran muna ang pagtatrabaho.

"Siyempre, sinabi ko agad sa handler ko, kay Ate Monch (Novales), tapos kay Sir Deo (Endrinal) boss ko sa Dreamscape. Sinabi na din niya sa Star Cinema kasi di ba nakapag-start na ako nung movie with MayWard and KissMarc?

"Pati sa Banana Sundae, babu na muna ako.

"Tigil trabaho talaga, yun ang bilin ng doktor. E medyo matigas ang ulo ko. Galaw ako ng galaw," kuwento pa ni Pokwang.

Isa sa mga unang nakaalam ng pagbubuntis niya ay si Coco Martin.

"May taping ako that day, in-inform ko siya. Tuwang-tuwa naman. Sabi nga ni Coco, ‘E di nung nag show tayo sa abroad, meron na yan?’ ‘E ganon na nga, Cocs,’ sabi ko.

"Kailangan siyempreng malaman ni Coco and ng buong Ang Probinsyano, kasi di ba kakapasok ko lang, tapos buntis pala ako.

"Na-happy naman ang buong cast and staff, kasi alam nila na matagal ko na itong pangarap, ang magka-baby ulit. Binigyan nila ako ng magandang exit sa show. Naku, hintayin niyo ang last episode ko. Masaya!" sabi pa ni Pokwang.

Sa kanyang pagbubuntis, supportado si Pokwang ng kanyang mga friends, family, and siyempre nina Lee and her daughter Mae (Subong).

"Tinawagan agad ni Lee ang family niya sa States. Kulang na lang, lumipad sila dito. Excited naman sila.

"Bahay lang talaga ako, bawal gumalaw. Andaming bawal. Kaya yung mga friends ko, sila ang pumupunta dito sa bahay. Dumalaw na sina Angelica (Panganiban), Pooh, K Brosas."

Nasa "lihi" period na si Pokwang. Marami siyang gusto at ayaw.

"Naku, ayokong nakakaamoy ng gisa (saute). Dati yan ang gustung-gusto kong gawin, ngayon ayaw ko talaga. Bawal ang ganong amoy sa bahay.

"May mga food na gusto ko, pero aayaw ako agad. Gusto ko ngayon, Arroz Caldo."

February 2018 ang due ni Pokwang. And tanging dasal niya ay hindi siya mahirapan sa delivery.

"Medyo malayo ang gap nila ni Mae, 21 years. Kaya hirap ako. I pray for a normal delivery. Pero sabi ng doktor, malaki ang bata. Amerikano ba naman ang tatay. Kakayanin ng normal pero kung hindi, baka mag CS talaga.

"Okay lang, kahit ano basta lumabas siyang healthy.

Kung si Pokwang ang masusunod, babae o lalake ay okay sa kanya.

"Gusto ni Lee, lalake. Pero kahit ano talaga, masaya na ako. Kung ano ang ibibigay ni Lord. Arte pa ba ako?

Hindi rin type ni Pokwang na sa States manganak, as suggested by Lee.

"Ang hirap doon, magisa ako. Dito marami ang amgaasikaso sa akin. Mas gusto ko dito.

“Tapos habang nagbubuntis ako, wala si Mae. Paalis siya for her internship sa France. January na ang balik niya, sakto February naman ako manganganak. Pagbalik niya, may kapatid na siya," kuwento ni Pokwang.