• Home
  • Fresh Scoops
  • 2017 Miss Manila search canididates have deep beauty queen roots.

Pia Wurtzbach lookalike, beauty queen siblings joins 2017 Miss Manila search

2017 Miss Manila search canididates have deep beauty queen roots.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/21/2017 10:55 AM
Pia Wurtzbach lookalike, beauty queen siblings joins 2017 Miss Manila search
Photo credit @hazelchay @glennkrish IG

 

Umeksena ang ilan sa 30 candidates ng 2017 Miss Manila pageant search na lookalike ng kilalang beauty queens at kapatid ng past winners ng malakaking pageants.

Una na dito ang 20 year old na si Hazel Ann Reyes, kapatid ng former beauty queen, actress at model na si Daisy Reyes na binusog sa tips at advice ang kanyang kapatid.


"I’m a proud sister of Daisy Reyes, Binibining Pilipinas World 1996. Sabi niya be confident and maging matapang ka sa lahat ng pageant na sinasalihan mo" sabi ni Hazel.

Sa pagitan ng showbiz at pulitika, mukhang ang pangalawa ang mas pipiliin ng kapatid ni Daisy.

"As of now isa po ako sa Sangguniang Kabataan sa aming barangay. Nakikita ko na magiging politician po ako," kuwento pa ng beauty queen aspirant.

Pangalawa naman si Glenn Aela Krishnan, 19 years old from Sampaloc, Manila at candidate number one sa Miss Manila pageant. Kapatid niya si Ganiel Krishnan, Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific 2016 na siyang nag-influence sa kanya a sumali sa contest.

"My sister encouraged me to join Miss Manila and I’ve learned that Miss Manila is connected with the Mare Foundation which helps the underprivileged so I want to be part of that foundation."

Pansin kaagad ng karamihan ang malaking pagkakahawig ni Glenn kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na ayon kay Glenn ay madalas napagkakalamalan na kapatid niya.

"Advantage po siya para sa akin nag gain ako ng followers at ng trabaho sa modelling. Na meet ko na siya personally pero bawal dapat magpa picture pero akala ng guards na kapatid niya ako kaya pinayagan ako magpa picture kay Pia," sabi pa ni Glenn.

Magaganap na ngayong sabado, June 24, ang 2017 Miss Manila Coronation night sa PICC. Ito na ang ika-apat na taon ng pageant at tatanggap ng total na one million pesos in prizes ang makukuha ng grand winner.