• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi raw maiwasan ni Sylvia na maging protective sa kanyang mga anak na nasa showbiz.

Sylvia Sanchez proud sa mga anak na sina Arjo at Ria Atayde

Hindi raw maiwasan ni Sylvia na maging protective sa kanyang mga anak na nasa showbiz.

BY
Eric John Salut

FRESH SCOOPS

06/20/2017 05:13 PM
Sylvia Sanchez proud sa mga anak na sina Arjo at Ria Atayde

 

Aminado si Sylvia Sanchez na protective siyang ina sa mga anak niya. Protective in a way na gusto niya ay maganda ang ehemplong idinudulot ng mga ito sa tao, sa mga katrabaho at sa mga tagahanga ng mga ito.

Sa ngayon, Sylvia has nothing but praises sa kanyang dalawang anak na sina Arjo at Ria Atayde.


"Siyempre, nanay ako, no!

"Nung in offer kay Arjo ang role sa Ang Probinsyano as Joaquin, natuwa ako. Imagine, makakatrabaho niya si Coco, at ang iba pang mahuhusay na artista.

"Medyo hindi ko nga inasahan yun, kasi he is supposed to be part of another serye. Natuwa ako no'n. Tapos bilang sinabi na hindi na siya kasama doon. Kaya medyo na disheartened ako. Sabi ko, ano ba yan, sayang naman.

"Tapos came Ang Probinsyano na nga, ayaw ko nang umasa. Kasi baka hindi na naman matuloy. Then sabi sa akin, tuloy na tuloy na daw, magti-taping na daw. Ayun, the rest is history. Umabot din si Arjo ng 2 years sa Ang Probinsyano and ako naman bilang ina, alam ko na Arjo did his part well. Proud naman ako," sabi ni Sylvia.

Inamin ni Sylvia na between Arjo and Ria, mas protective siya kay Ria.

"Kasi babae siya, and she is really new sa industry. Si Arjo naman, matagal tagal na. Marami nang nagawa, marami nang nakatrabaho. At saka, lalake yun, kaya na niya ang sarili niya.

"Si Ria, parang second year pa lang niya sa showbiz. Pero so far naman, okay siya. Proud ako sa little achievements niya," sabi ni Sylvia.

Maraming pinahanga si Ria sa kanyang pagganap bilang Dr. Gia sa katatapos lang na hit seryeng My Dear Heart.

"Biggest break and most challenging niya ang My Deart Heart, tapos primetime pa. Kaya may pressure din sa akin. Tapos slightly kontrabida at first. Kaya nakaabang ako sa kanya. Pero for a beginner like her, proud ako sa nakita ko.

"Yung makipagsabayan siya ng acting kina Coney (Reyes), Eric Quizon, Zanjoe (Marudo), doon pa lang I am a happy and proud mom.

"With Ria, talagang tutok ako. May mga moments na I would sit down her pag hindi siya sure sa eksena the day before ng taping. Minsan, siya na ang tatawag, "Mom, paano ko gagawin this scene and that?".

"Doon papasok talaga ang pagiging nanay ko. Acting coach, ika nga. But most of the time, nakakaya naman niya. She's blessed to have worked with the best directors, lalo na sa My Dear Heart," sabi ni Sylvia.

Naikuwento ni Sylvia na tinutukan niya ang panonood ng My Dear Heart.

"Lalo na no'ng last few months, may time na kasi ako. Tapos na ang The Greatest Love. Lagi kong pinapanood. To see kung kumusta ang acting nya. Di naman sa pagiging biased, for a beginner, ilalaban ko ang anak ko.

"Yung finale ng My Dear Heart, ay grabe ang iyak ko sa mga eksena niya, with Coney, with Heart, with Eric.

"Hindi madali para sa isang aktres na gumanap na nanay, considering hindi pa naman siya talaga nanay. E halos baby ko pa yang si Ria. Pero gusto ko yung lumalaki sila na responsableng artista. Marunong makisama sa fans, sa staff and sa mga nakakatrabaho maliit man o malaking artista.

"Yun naman ang maipagmamalaki about Ria. She has grown to be a responsible woman. Wala pa naman akong naririnig na nireklamo siya about being late o unprofessional," pagtatapos ni Sylvia.