• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinurpresa ni Richard ang kanyang partner na si Sarah Lahbati sa premiere ng movie na “Ang Pagsanib kay Leah Dela Cruz.”

Richard Gutierrez misses La Luna Sangre first episode to attend Sarah Lahbati's movie premier

Sinurpresa ni Richard ang kanyang partner na si Sarah Lahbati sa premiere ng movie na “Ang Pagsanib kay Leah Dela Cruz.”

BY
ABS-CBN Corporate Communications
test

FRESH SCOOPS

06/20/2017 02:53 PM
Richard Gutierrez misses La Luna Sangre first episode to attend Sarah Lahbati's movie premier

 

Napuno ng kilig ang red carpet premier ng bagong pelikula ni Sarah Lahbati na Ang Pagsanib kay Leah Dela Cruz dahil sa sorpresang pag dating ng kanyang partner na si Richard Gutierrez.

Hawak ang isang bouquet of roses, sorpresang dumating si Richard na agad naman sinalubong ng mahigpit na yakap ni Sarah.


Kuwento ni Sarah, hindi niya inisip na pupuntahan siya ni Richard, na excited din para sa pilot episode ng kanyang first project as Kapamilya artist na La Luna Sangre.

"Sabi ko It's okay, It's both our big night and I'm very happy for him sabi ko na lang he needs to watch it because he's part of a big role and I just need to focus now on movie and catch La Luna later online. Tapos pinag uusapan namin kanina dito, sabi ko nasa bahay siya watching La Luna with family and he’s preparing food for the family," kuwento ni Sarah.

Si Richard naman aminadong hirap I-surpresa si Sarah dahil madalas siyang nahahalata nito.

"Ang alam niya nasa bahay ako nag-aayos para sa family pero hindi niya akalain na pupunta ako dito. Magaling kasi ‘to nalalaman niya agad pag i- surprise ko siya," natatawang kwento ng aktor.

Bukod dito proud din si Richard sa pinakitang determinasyon ni Sarah sa pelikuka para maging maganda ang kanyang mapangahas na karakter.

"I'm very proud of her, I know how very passionate she is, and I know how hard she worked on this film," sabi pa ni Richard.

Abala man sa kani-kanilang mga proyekto, sinisigurado pa din ni Richard at Sarah na may oras sila para sa kanilang anak na si Zion.

"Nagkataon ngayon na pareho kaming busy, medyo yung oras namin ngayon hectic, pero we try our best to manage our time," sabi ni Sarah.

Samantala kapansin-pansin din ang suot na singsing ni Sarah Lahbati na aniya ay isang promise ring na bigay ni Richard noong nasa America sila.

 

"Matagal na iyan e, bakit ngayon niyo lang napansin?” sabi ni Richard.

Naging tuksuhan din kung kasunod na ba ng promise ring ang kasalan.

"Abang abanagan natin ang mga susunod na kabanata," matipid na pahayag ni Richard.