• Home
  • Fresh Scoops
  • DJ Nicole Hyala also becomes the new station manager for Love Radio.

DJ Nicole Hyala keeps mum on Papa Jack's reason for leaving their radio station

DJ Nicole Hyala also becomes the new station manager for Love Radio.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/20/2017 09:36 AM
DJ Nicole Hyala keeps mum on Papa Jack's reason for leaving their radio station

 

Mula sa kabi-kabilang mga product endorsement, feeling blessed ngayon ang radio personality na si Nicole Hyala pagdating sa kanyang career bilang isa sa mga well-known DJ ng Love Radio.

Bukod kasi sa kanyang regular morning show na Tambalan ni Nicole Hyala at Chris Tsuper, tumatayo na din ngayon si Nicole bilang station manager.


 

"We've been together ni DJ Chris Tsuper on air for like 13 years and still number one pa din naman ang station. So far so good ang mga bagay-bagay and ngayon I have just been promoted as a station manager of Love Radio so ayun ang pinaka hot na hot na bago sa aming tambalan," pahayag ni DJ Nicole sa opening ng Drip Lounge sa Quezon City.

Pagbibiro pa ng DJ, kahit promoted na sa mas mataas na posisyon wala pa din umano sa kanyang plano ang iwanan ang kanyang programa sa radyo.

 

 

Ano pong ipinaglalaban ng Tambalan? @nicolehyala @christsuper907

A post shared by Love Radio Manila (@loveradiomanila) on

"No kasi 'mas malaki ang kita ni DJ Nicole ngayon kaysa administrative position' (laughs). No, kasi it gives me an edge kasi siyempre hindi na rin naman tayo millennial so perfect na din yun for my career growth," ani pa nito.

Masaya din si Dj Nicole para sa pagkakaroon ng mukha ng mga radio personalities.

"Hindi na itinatago ang mga DJs ngayon sa likod ng radyo and it’s so different na from before na 'pang radyo lang yan' ngayon kasi were on out not only on TV, but also on social media so wala talaga kaming kawala."

Dahil mas visible na sila ngayon sa publiko, aminado si DJ Nicole na meron na din silang mga bashers.

"Meron din pero hindi naman ako masyado apektado pero nung pamilya ko na ang pinupuntirya and yung anak ko na dun ako medyo affected. Siguro kung naapektuhan ako matagal na akong wala sa radio. Siguro sanay na ako sa mga nega comments kasi I cannot please anyone," saad pa nito.

Samantala, nanindigan din si Nicole para sa kapwa DJ at dating kasamahan na si Papa Jack sa pag-alis nito sa kabilang istasyon.

 

"Ang Love radio kasi hindi din nag-release ng official statement, kung ano lang siguro ang naging statement ni Papa Jack ayun lang naman talaga yung lumabas. And kahit naman station manager na tayo I'm not in the position to state the real reason. Basta nag-resign siya and the management approved his resignation," pahayag pa niya.

Dagdag pa nito, magkakaiba man sila ngayon ng radio station nanatili pa din ang kanilang magandang samahan bilang magkakaibigan.