• Home
  • Fresh Scoops
  • Sylvia Sanchez says she wants to take on a role very different from her last one in ‘The Greatest Love’.

Sylvia Sanchez admits she has become choosy with her roles

Sylvia Sanchez says she wants to take on a role very different from her last one in ‘The Greatest Love’.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/02/2017 09:11 AM
Sylvia Sanchez admits she has become choosy with her roles

Aminado si Sylvia Sanchez na naging choosy siya ngayon sa pagpili ng role pagkatapos niyang gampanan ang role ni Nanay Gloria sa afternoon series ng ABS-CBN na The Greatest Love.

Aniya, “Sasabihin kong choosy, yes. Pero ang gusto ko lang ay ilayo ko yung role kay Glora. Kasi ang offer sa akin, apat yung offers sa akin, eh, na halos pareho kay Gloria—nanay na martir, nanay na laging umiiyak, nanay na merong sakit.

“Masyado kasing malapit kay Gloria. I’m sure, tayong lahat, nag-expect tayo na pagbalik ko, ibang Sylvia, hindi ganu’n (kay Gloria). And yon yung inaayos ko ngayon, na maiba,” katwiran ni Sylvia.


“Hindi ako nagiging choosy dahil maarte, hindi. Nagiging choosy ako dahil ayokong maging parang Gloria lang, yon yung reason.

“Kahit ano, kahit indie, kahit saan pa yan, tatanggapin ko kung malayung-malayo kay Gloria,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa ina nina Ria at Arjo Atayde, may offer daw naman na muli siyang gumawa ng teleserye pero hindi pa raw ito puwedeng sabihin.

“Meron, pero pinag-uusapan pa.

“Tapos meron akong tinanggap na isang bagong movie sa Cinema One. Yon yung gagawin ko sa ngayon,” sey niya.

But for the meantime na hindi siya busy, pamilya daw muna ang aasikasuhin niya.

“Ngayon nagpapaka-nanay, nagpapaka-asawa muna ako habang wala akong show.

“Kasi pag dumating na naman yung bagong show, every day na naman yon, wala na naman akong time sa kanila.

“So ngayon, binibigay ko yung panahon sa mga anak ko at sa asawa ko.”

Samantala, sa interbyu ng PUSH kay Sylvia sa launching ng Beaute Derm soap na siya ang endorser ay inamin niyang gusto na niyang mag-quit noon sa showbiz dahil wala siyang project sa TV.

Kuwento niya, “Dumating yon, isang beses. Pero ayoko kasi ng negatibo, hangga’t maaari, pag merong dumadating sa aking negatibo, bina-block ko yon.

“So, ang ginawa ko non, nag-aral ako. Nag-Culinary ako para ma-entertain ko yung sarili ko.

“Kasi nararamdam ko na nagkakaroon na ako ng insecurity, eh. Tapos kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Ayoko no’n.”

Habang nag-aaral, dumating naman ang teleseryeng Eva Fonda.

“Pinagsabay ko yung taping at pag-aaral ko ng Culinary for one year. At yon, nalampasan ko naman kaya masasabi ko sa inyo na chef din ako. Naka-graduate po ako,” nakangiti niyang pagtatapos.