• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre considers hosting on ‘It’s Showtime’a nice break from teleseryes.

Nadine Lustre admits she enjoys being a host on ‘It’s Showtime’

Nadine Lustre considers hosting on ‘It’s Showtime’a nice break from teleseryes.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/02/2017 09:16 AM
Nadine Lustre admits she enjoys being a host on ‘It’s Showtime’

Present sa katatapos lang na Manila X Music and Fashion Festival ang couple na sina Nadine Lustre at James Reid para magbigay supporta sa kanilang kaibigan na si Kiana Valenciano na performer ng gabing iyon.

 

Sa backstage, game na game na nakipagkuwentuhan si Nadine tungkol sa kanilang mga pinagkaka-abalahan ngayon.


"For now, wala po munang serye dahil madami pa po kaming i-pe-prepare. May album kaya medyo busy din po."

Bukod kasi sa preparation ng album, visible din ngayon sina James and Nadine every noontime sa It's Showtime.

"Hindi naman din po araw-araw. Tuesday, Thursday, and Saturday pero ang saya kasi ‘di ba parang we just take a break lang from the teleserye so let's do something light naman, noontime show naman."

Kuwento pa ni Nadine, nag-e-enjoy siya ngayon sa mga light na trabaho gaya ng hosting.

 

"Sobrang saya kasi ang ganda niyang balanse sa trabaho namin from before and first time ko po nung Tuesday. Talagang lahat po sila naka-guide po talaga sa akin kung ano ang gagawin namin kaya hindi din mahirap ang sumali sa kanila and very welcoming din talaga sila."

Bonus din kung maituring ni Nadine ang magandang working environment sa It's Showtime na nakakapagpasaya sa kanya.

"Hindi naman din naging mahirap dahil yung mga host ng It's Showtime ay sobrang mababait din naman po sila kahit sa backstage," pahayag pa ni Nadine.