• Home
  • Fresh Scoops
  • The young actress says she’s okay with either a conservative or sexy Darna costume.

Liza Soberano on wearing a two-piece Darna costume: ‘Okay lang po basta prepared ako’

The young actress says she’s okay with either a conservative or sexy Darna costume.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/19/2017 07:03 AM
Liza Soberano on wearing a two-piece Darna costume: ‘Okay lang po basta prepared ako’
 
Wala pang pahayag mula sa Star Cinema at kay Direk Erik Matti kung ano ang magiging costume ni Darna na gagampanan ni Liza Soberano.

Pwede raw na maging conservative ito at puwede rin namang maging sexy.

Ano ba ang mas gusto niyang Darna costume?

“Of course, whatever is approved by the management, ‘yun po ang susuotin ko. But if I were to choose, anything naman, actually, as long as I’m prepared for it,” sagot niya.


Eh, paano kung two-piece ang ipasuot sa kanya? “Okay lang po, basta prepared ako, hindi ‘yung bibiglain ako na ‘O, isuot mo ’to’” natatawa niyang pahayag.

Ang pagsusuot ba niya ng two-piece is an indication ng kanyang pagma-mature?

Aniya, “Yes, I am maturing. I’m turning 20 next year so I think it’s about time.”

Hindi pa alam ni Liza kung sinu-sino pa ang makakasama niya sa Darna pati na ang gaganap na Ding at Valentina.

“I actually don’t have any idea on who will be with me on the movie, so far.

“I can’t think of anyone actually at the top of my mind to play Valentina because wala, eh, I don’t know who could possibly do it. I don’t know talaga, wala po akong idea,” reaksyon ni Liza.

Eh, what if si Anne ang gaganap na Valentina?

“Oh I love Ate Anne, I would like to work with ate Anne. Yeah, of course, but it all depends on who they want to portray as Valentina,” she said.

Ayon pa kay Liza, dire-diretso na ang training niya bilang paghahanda sa Darna. Nakausap na rin daw niya si Direk Erik.

“Nakipag-meeting na po ako sa kanya and they had me do like a physical test in front of them, siyempre, para makita kung gaano rin po ako kalakas.

And so based on what I did in front of them, nakita po nila kung ano ‘yung mga kailangan ko.

“So, right now, I’m working out for Sir Bok Santos at the gym, nagpapalakas po para sa mga stunt. And I’m also doing cardio, I run every Sunday,” pagtatapos ni Liza. Si Liza ay nakausap ng PUSH sa presscon ng Megapro Plus and Megasound Karaoke System kung saan siya ang brand ambassador.