• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ng singer na nagtanong siya ng ilang acting tips mula kay Angeline.

Jona, ibinahagi ang isa pang pangarap ni Angeline Quinto

Sinabi ng singer na nagtanong siya ng ilang acting tips mula kay Angeline.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

06/19/2017 06:58 AM
Jona, ibinahagi ang isa pang pangarap ni Angeline Quinto
 
Nauna nang nagpahayag si Jona ng kanyang interes sa pag-arte balang araw kung kaya sumasailalim siya ngayon sa isang acting workshop. Kung sakali, kagaya na rin siya ng kanyang co-Birit Queen na si Angeline Quinto na isang singer-actress. Alam kaya ni Angeline ang kanyang plano na umarte?

“Hindi ko po maalala kung may napag-usapan kami pero nag-uusap usap po kami nung nasa Abu Dhabi kami, nag-usap kami ng mga aspirations and dreams in life,” kwento ni Jona.

“I think aware naman si Angge na nakapag undergo po ako ng acting workshop tapos nagtatanong din ako sa kanya, ‘Paano ka ba humuhugot? Kasi ang hirap kaya umiyak. Iba yung iiyak ka lang, iba rin yung iiyak ka na may tamang pinanghuhugutan,” dagdag pa niya.

Dito na rin niya naibunyag ang plano ni Angeline balang araw.


“Siya nakapag-open up siya sa akin na gusto pa nga niyang makagawa ng mga pelikula. And parang maybe in the future daw po maging director siya,” pagbabahagi ni Jona.