• Home
  • Fresh Scoops
  • How Piolo Pascual helped the “selfless man” he portrayed on MMK

How Piolo Pascual helped the “selfless man” he portrayed on MMK

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

6/18/2017 5:20 PM
How Piolo Pascual helped the “selfless man” he portrayed on MMK


 

Trending kagabi ang pagganap ni Piolo Pascual bilang si Ryan Arebuabo, ang ama sa likod ng viral photo kung saan kumakain ang kanyang dalawang anak habang siya ay nakatingin lang sa isang fast food chain. Lingid sa kaalaman ng karamihan, malaki rin ang naitulong ng aktor sa kanya na tumatayong single parent sa dalawang anak niya.

Ayon sa ABS-CBN News report Piolo trends on Twitter for touching portrayal of selfless father on 'MMK',pinangako ni Piolo na bibigyan niya ng scholarship ang dalawang anak ni Ryan sa isang private school.

"Wala na po akong hihilingin pa. Basta makapag-aral lang iyong mga anak ko. Iyong gamot at pera, sandali lang iyon. Pero kung iyong mga anak ko, nakapagtapos sila, wala na akong mahihiling pa,” ani Ryan.

Bukod sa scholarship, binigyan din siya ni Piolo ng cellphone upang matawagan niya ito sakaling mangailangan siya ng tulong.

"Taos-puso ang pagpapasalamat ko kay Piolo. Binigyan na ako ng cellphone, pag-aaralin pa iyong mga anak ko. Sobrang laki ang pasasalamat ko sa kanya.” Si Ryan ay nagka-stroke noong 2013, dahilan kung bakit hirap siyang kumilos sa ngayon ngunit nagsusumikap pa rin siyang gumalaw upang maghanap-buhay para sa kanyang mga anak. Matapos maging viral ng kanilang litrato, marami ang nag-abot ng tulong pinansyal sa kanya kung kaya’t nakapagpundar siya ng isang tindahan at dalawang secondhand na motor pampasada.

Sa kabila nitong mga biyayang natanggap niya, hindi pa rin daw niya winawaldas ito ng basta-basta. "Para lang sa mga anak ko 'to. Akala nila kuripot ako, hindi nila alam sila ang pinag-iipunan ko," kwento niya.