• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ng Hashtag member na nahahasa na siya sa pagho-host dahil sa pakikipagsabayan sa main hosts ng It’s Showtime.

Exclusive: Nikko Natividad napipikon ba sa mga jokes ni Vice Ganda?

Inamin ng Hashtag member na nahahasa na siya sa pagho-host dahil sa pakikipagsabayan sa main hosts ng It’s Showtime.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/19/2017 07:00 AM
Exclusive: Nikko Natividad napipikon ba sa mga jokes ni Vice Ganda?
 
Masaya si Hashtag Nikko Natividad sa exposure na ibinigay sa kanya sa It’s Showtime. Pakiramdam niya, unti-unti na ring natutupad ang pangarap niya na maging TV host.

“Ito nga, ina-advice-san nila ako na galingan ko daw kasi parang hindi na ako hinihilera as parang baguhan. Hashtag pa rin ako, pero yung pagho-host, hindi puwede na lagi kong iisipin na bago ako.

“Kailangan ko daw na makasabay na ako sa ibang hosts – kina Vice, Billy – yon yung sinabi sa akin ng Showtime,” simulang pahayag ni Nikko sa PUSH. Hindi rin daw siya napipikon o naaasar sa mga jokes ni Vice tungkol sa mga bakla na diumano’y nakarelasyon niya.

“Yung about sa mga bakla, nakakatulong sa akin yon, eh. Kasi yung pang-aasar niya sa akin tungkol sa mga bakla na may dyowa ako, alam ko sa sarili ko na biro lang yon at hindi ako napipikon,” kaswal niyang reaksyon.


Patuloy pa ni Nikko, “Kasi minsan pinapatulan ko talaga (yung joke ni Vice). ‘Yung motor binawi ng bakla sa akin, eh.’ Pero alam ng mga tao na biro lang yon, wala akong bashers, wala nagsalita sa akin na, ‘Ano ba yan, kaya ka pala nag-artista kasi pumatol ka sa ganyan. Walang ganu’n.”

Pero hindi naman itinanggi ni Nikko na marami rin talagang lumalapit sa kanyang mga bading.

“Noon, oo. Nu’ng waiter pa lang ako. Lagi ko ring sinasabi na ang dami kong kaibigang bakla pero never akong nagkaroon ng… Pero hindi ako galit sa mga bakla, sobrang close ako sa kanila.

“Kaya nga yung pagbabakla-baklaan, nagagawa ko agad dahil marami akong kaibigang bakla,” he said. Flattered naman si Nikko na marami ang nag-view sa pinost niya Instagram account habang nagwo-workout siya kung saan naging “very revealing” sa suot niyang shorts ang kanyang private part.

“Hindi ko sinadyang i-post yon para sa ganu’n. Kaya ko pinost yon kasi gusto kong magkaroon ng sponsor ng whey protein… para malaman nila na, ‘Ah, naggi-gym pala si Nikko, bigyan nga natin ito ng sponsorship.’

“Yon ang gusto kong ipakita, pero hindi dahil don sa kung anumang iniisip nila,” natatawa niyang pagtatapos.