• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Maris Racal reacts to possibility of Tommy Esguerra courting her

EXCLUSIVE: Maris Racal reacts to possibility of Tommy Esguerra courting her

Maris Racal also talks about not having a permanent love team partner.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/18/2017 11:53 AM
EXCLUSIVE: Maris Racal reacts to possibility of Tommy Esguerra courting her


 

Kung sinu-sino na ang ipinartner kay Maris Racal pero wala pa rin siya hanggang ngayon na matatawag na permanenteng ka-love team.

“Actually, gusto kong magkaroon ng ka-love team, pero hinihintay ko pa yung perfect guy. Si Manolo (Pedrosa) kasi hindi natuloy. Nagka-work kami for a teleserye ni McCoy (de Leon), si Marco Gumabao din.

“Ewan ko na bakit hindi nagtutuluy-tuloy. Pero pag may nawawala naman kasi may perfect na dadating kaya para sa akin, okey na din na ako lang munang mag-isa. Ibi-build ko muna yung self ko,” bulalas ni Maris nang makausap siya ng PUSH sa presscon ng 4 Of A Kind concert nila nina Sue Ramirez, Kistel Fulgar at Loisa Andalio.

Open ba naman siyang maging ka-love team si Tommy Esguerra na very vocal sa pagsasabing crush siya nito?

“If ever may project okey naman po… okey lang naman.” Ang hindi lang daw okey sa kanya ay ang ligawan siya ni Tommy.

“Ayoko muna kasi may respect ako sa kanila ni ate Miho (Nishida) and super friends kami ni Ate Miho. Kaya ayoko muna.”

Eh, after several years, puwede na ba siyang ligawan ni Tommy?

“Ay, hindi ko po alam,” matipid niyang reaksyon.

Kitang-kita na rin ang “star aura” ngayon kay Maris pagkatapos niyang lumabas sa Pinoy Big Brother house.

“Super happy ako kasi parang na-develop ko rin yung self ko at part do’n talaga yung huwag munang mag-boyfriend kasi sayang naman po yung mga opportunities na binibigay sa akin.”

Pero hindi naman pala siya NBSB (no boyfriend since birth).

“No! Nagkaroon po ako ng boyfriend nung high school. Ngayon po, wala muna, love team-love team lang, ganun.”

Ano bang hinahanap niya sa isang lalaki?

“Sa akin po, gusto ko ano siya, yung parang open talaga sa family ko. Kasi strong yung foundation sa family, hindi basta-basta matitibag. Tapos siyempre, God-fearing din,” sagot niya.

Eh, si McCoy ba, nagkakausap pa rin sila?

“Nagbabatian naman kami pag nagkikita kami sa ASAP, sa ibang work, no hard feelings,” pagtatapos ni Maris.

Mapapanood ang 4 Of A Kind concert sa Music Museum on July 8.