• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa pagdiriwang ng Father's Day, iba't ibang paglalarawan ang ibinigay ng ilan sa ating mga favorite celebrity moms na sina Cristine Reyes, Sarah Lahbati at Judy Ann Santos para kanilang kapareha.

Cristine Reyes, Sarah Lahbati, and Judy Ann Santos describe their partners as fathers

Sa pagdiriwang ng Father's Day, iba't ibang paglalarawan ang ibinigay ng ilan sa ating mga favorite celebrity moms na sina Cristine Reyes, Sarah Lahbati at Judy Ann Santos para kanilang kapareha.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/18/2017 10:40 AM
Cristine Reyes, Sarah Lahbati, and Judy Ann Santos describe their partners as fathers
sarahlahbati IG

 

Sa pagdiriwang ng Father's Day, iba't ibang paglalarawan ang ibinigay ng ilan sa ating mga favorite celebrity moms na sina Cristine Reyes, Sarah Lahbati at Judy Ann Santos para kanilang kapareha.

"Super Dad" kung paano ilarawan ni Cristine Reyes ang kanyang kabiyak na si Ali Khatibi na kinakaya ang lahat simula ng mapangasawa at ipanganak niya ang kanilang panganay na si Amarah.


 

 

Fam day 😍

A post shared by Ali Khatibi (@mralikhatibi) on

"Ilalarawan ko si Ali bilang superdad! Kasi hindi lang siya maalaga kay Amarah kundi maalaga rin siya sa asawa niya kaya para sa akin superdad siya," pahayag ni Cristine.

"Loving Father" naman kung ilarawan ni Sarah Lahbati ang kanyang partner na si Richard Gutierrez na todo ang suporta sa mga hilig na gawin ng kanilang anak na si Zion.

 

Truly blessed to be able to spend time with family🙏🏼🇨🇭🇫🇷

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz) on

"Richard is so loving and so caring, he always find time at lagi siyang andiyan para kay Zion mapa takbuhan pa yan. He's always there to support him and I'm so grateful about that he's a great father to Zion and a partner to me," sabi pa ni Sarah.

Wala naman masabi si Judy Ann Santos para sa kabiyak na si Ryan Agoncillo lalo na sa pagiging ama nito sa kanilang tatlong anak na nabibigyan nito ng pantay pantay na pagtingin.

 

8!!! 📷 @annadasig

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

 

 

my favorite little humans😘 #goodmorning #goodvibes #buding #buching #bunnie

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

"Si Ryan as a father wala akong masasabi diyan hindi lang siya basta tatay kasi talagang binibigyan niya ng oras ang lahat ng mga bata from tickle time to blind monster. Meron pa silang mga ganyang laro. Talagang he has his time for his children and wala akong masasabi don," pahayag pa ni Juday.