• Home
  • Fresh Scoops
  • Shara Chavez says she also became the singer’s ATM machine.

Shara Chavez reveals more reasons she broke up with Jovit Baldivino

Shara Chavez says she also became the singer’s ATM machine.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

06/18/2017 10:13 AM
Shara Chavez reveals more reasons she broke up with Jovit Baldivino
Photos credit: sharachavez/jovitbaldivino IG

 

Matapos pumutok ang balitang hiwalay na ang magkasintahang si Jovit Baldivino at Shara Chavez, ibinahagi ni Shara sa Facebook ang iba pang dahilan kung bakit tuluyan na niyang iniwan ang ama ng kanyang anak na si Akeya.

“Everybody has their limits! I've already reached mine. #sorrynotsorry pero ikaw pa talaga Idol ang nagmamatapang at sari sari kwento. Ang tunay na lalaki maalam tumanggap ng pagkakamali at maalam magsabi ng SORRY unless nilamon kana talaga ng pride mo!” paunang pahayag ni Shara bago ito nag-share ng mga ebidensya tungkol sa pambababae di umano ni Jovit.


Ayon kay Shara, hindi lamang pambababae ang dahilan ng kanilang hiwalayan, kung hindi pati na rin sa naging ugali ng singer sa kanya. Ibinunyag niyang mahilig sa sabong si Jovit at kahit kailan daw ay hindi siya nagbigay ng sustento sa kanilang anak.

Mariin ding itinanggi ni Shara na mukha siyang pera. Sa katunayan daw, siya pa ang hinihingan ni Jovit ng pera at siya rin daw ang nagbayad ng hospital bills nung siya’y manganak.

 

Narito ang buong post ni Shara:

Ang mga sumusunod naman ay mga screenshots ng texts ni Jovit kung saan humihingi siya ng pera kay Shara.

| Muli namang nagsalita si Jovit sa social media at sinabing wala siyang magagawa kung maniniwala ang mga tao sa mga paratang sa kanya dahil ‘di niya kontrolado ang kanilang desisyon.