Jona honors her father on Father’s day

Jona recounts her father’s medical condition and successful operation

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/18/2017 10:28 AM
Jona honors her father on Father’s day


 

Sa Bandila, ibinalita na ngayong malapit na ang Father’s Day nagbigay pugay si Jona sa kanyang ama. Maagang naghiwalay ang mga magulang ni Jona at ang kanyang ama ang nag-alaga at nagpalaki sa kanilang magkakapatid.

“Napakahirap ng role na yun sa kanya. Although nagkaroon din po kami ng mga problema noon. May mga bagay na ang hirap mo iopen up sa dad mo na parang feeling mo mom mo ang makakaintindi sa ’yo. Meron po akong stage na ganun.”

Sa ama din ni Jona nakuha ang galing niya sa pagkanta. “Ang bonding namin ng Papa ko noon karaoke. Mahilig po talaga kumanta ang Papa ko. At the same time tumutugtog siya ng guitar.”

Kamakailan lang ay sumailalim sa operasyon ang ama ni Jona. “Meron pong nadevelop na mass sa kaluob-luoban ng sinus niya. Na nasa border na ng brain. Thankful po kami na hindi po cancer. Binuksan po talaga ang ulo. Thankful po kami na naging successful ang operation.”

Naluha din si Jona nang ipagtapat niya, “hindi ko po pinapakita sa Papa ko na meron akong fear. Outside pinapakita ko sa kanya na malakas ang loob ko …pero kapag natutulog sa gabi dun ako nakakapag isip-isip ng mga bagay.”