• Home
  • Fresh Scoops
  • Erik Matti says he leaves it up to Star Cinema as to when ‘Darna’ will be coming to theaters.

Erik Matti shares updates on upcoming ‘Darna’ movie

Erik Matti says he leaves it up to Star Cinema as to when ‘Darna’ will be coming to theaters.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/17/2017 11:18 AM
Erik Matti shares updates on upcoming ‘Darna’ movie

 

Sa naganap na special screening ng latest movie ng Viva Films at Reality Entertainment na Ang Pagsanib kay Leah Dela Cruz na pinagbibidahan ni Sarah Lahbati, Julian Trono, at Shy Carlos, nakapanayam ng PUSH ang direktor nito na si Erik Matti na isa din sa mga punong abala ngayon sa preparasyon para sa muling paglipad ni Darna.

 


Kuwento ni Direk Erik, masaya siya para sa kaabang-abang na proyektong ito sa kabila ng malaking pagbabago tulad ang pagpalit kay Angel Locsin bilang Darna.

"Liza (Soberano) is perfect. She's fresh, she's a good pick because ang features niya talaga I mean she could be really sweet, she could be innocent but at the same time she could be fiery brave and perfect para mag-represent ng isang 'Babaeng Pilipino' parang ganun."

Kuwento pa ni Direk Erik, kasalukuyan na sumasabak si Liza sa iba’t-ibang preparasyon para sa kanyang role bilang si Darna.

"We've met several times, she's undergoing training for over a month now and prior to that we had several meetings na din to discuss the role and other things," ani pa ni direk Erik.

Matipid naman sa pagbibigay ng detalye si Direk Erik sa kanilang preparasyon kabilang na ang kanilang shooting schedule.

"I can't announce it when we’re going to start. We're in a deep preparations for the film and hindi ko talaga pwede i-reveal but it's coming soon," sabi pa nito.

Bukod dito aminado si Direk Erik na extra effort sila ngayon na tapatan at ipakilala sa Pinoy viewers si Darna matapos ang pagtabo sa takilya ng iconic foreign movie Wonder Woman.

"Ang laki ng pressure talaga, kasi we thought all along that we will be coming out before Wonder Woman. But now Wonder Woman is out and were just about to start Darna. Of course we're trying na hindi naman iparehas but to come out something really uniquely Filipino superhero," pahayag ni Direk Erik.

Ipinaubaya naman ni direk Erik Matti sa Star Cinema at ABS-CBN management ang desisyon kung nasa plano ba na isali ang Darna movie sa malalapit na Metro Manila Film Festival ngayong 2017.