• Home
  • Fresh Scoops
  • 2017 Miss Earth Philippines speak about what their goals are.

2017 Miss Earth Philippines candidates admit competition is tougher this year

2017 Miss Earth Philippines speak about what their goals are.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/17/2017 11:15 AM
2017 Miss Earth Philippines candidates admit competition is tougher this year
Photo credits to Miss Philippines Earth FB

 

Mas challenging at mas mahigpit na competition ang aasahan ng 40 candidates para sa 2017 Miss Philippines Earth na ongoing na ngayon at nag-iikot na sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Ang pangangalaga sa inang kalikasan ang pangunahing advocacy ng pageant kaya ito rin ang dahilan sa pagsali ng kandidata mula sa Masbate na si Princess Pusing.

"I wanted to address my advocacy which is environment education and training in the communities to conduct workshops and seminars," sabi ni Princess.


Mas mapapalawak pa ang kanyang kaalaman sa kinuhang kurso sa collegio ang naging inspirasyon sa pagsali ng beauty queen from Marikina City na si Klaidel Hope Concepcion.

"I’m a biology student from the University if the Philippines in Diliman and I think my course will be relevant in this endeavor," kuwento ni Klaidel.

Aminado rin ang lahat na mahigpit ang magiging labanan sa beauty search na nangangalaga sa inang kalikasan, pero di naman nawawala ang pagkakaroon ng magandang samahan at pagkakaibigan ayon sa Bukidnon candidate na si Carmella Quirog.

"Hindi naman po talaga maiiwasan kasi competition po ito. Pero what’s good about it although it’s a competition pero ang mga kasama ko talagang friendly po sila," dagdag pa ni Carmella.

Kaya naman ang 2014 Miss Earth na si Jamie Herrell ay nagbigay ng advice sa mga kandidata para maghanda sa iba’t-ibang stage ng labanan.

"Let’s admit it. It’s a pageant you have to be beautiful, The main thing we’re looking for is a woman who is really smart and that can be the ambassadress for the environment," sagot ni Jamie.

Magaganap ang coronation night ng 2017 Miss Philippines Earth sa July 15 sa Mall of Asia Arena at mapapanood kinabukasan sa ABS-CBN.