• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kristel Fulgar admits her viral videos are the reason she hasn’t quit showbiz

EXCLUSIVE: Kristel Fulgar admits her viral videos are the reason she hasn’t quit showbiz

Kristel Fulgar reveals she had planned to leave showbiz after she graduated from college.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/16/2017 12:38 PM
EXCLUSIVE: Kristel Fulgar admits her viral videos are the reason she hasn’t quit showbiz


 

Wala munang bagong inupload na covers ng kanta sina Kristel Fulgar at CJ Novato pagkatapos mag-viral ng kanilang videos sa YouTube na milyon-milyon na ang views. Pero ayon kay Kristel, meron naman daw silang bagong pagsasamahan.

“Hindi po muna kami siguro gagawa ng covers pero meron po kaming acting na pagsasamahan. Love team po kami dito, so may aabangan ulit po sila sa amin. Kailangan din po naming ipakita na meron din po kaming kayang gawin,” simulang kuwento ni Kristel sa PUSH.

Ayon kay Kristel, malaking factor ang mga nag-viral niyang videos na ang isa ay umabot pa ng halos 13 million (“Secret Love Song”) kung bakit itinuloy pa niya ang pag-aartista.

“Ako po, nung high school, yon na yung pinaka-awkward age ko, eh. Sabi ko, kailangan ko talagang pagbutihin yung pag-aaral ko kaya sinikap ko po talaga na maka-graduate on time ng high school and college.

“Nagkaroon naman po ako ng mga projects noon na puro supporting roles. Nito lang pong nagba-viral na yung video ko, nito lang po ako nakilala as Kristel Fulgar. At sobrang laki po ng pinagkaiba ng career ko before at sa ngayon,” pahayag ng singer-actress.

Ngayon din lang daw siya nakilala ng mga tao sa kanyang pangalan.

Aniya, “Parang ngayon ko lang na-realize na ganito pala yung artista talaga. I mean, ganito pala yung feeling ng totoong artista kasi before parang, ano lang, pag nagpapa-picture yung mga tao, ‘O, pa-picture, si ano to, eh. Dito siya lumalabas.’

“Pero ngayon, sarap sa feeling na, ‘Uy, si Kristel Fulgar.’ Minsan buo pa po yung apilyedo. Masarap sa pakiramdam na kilala nila ako ako.”

Thankful naman si Kristel sa nangyayari sa career niya ngayon.

“Alam ko naman po na sa showbiz, hindi talaga forever and thankful na po ako talaga na umabot po ako sa ganito, na nandito pa rin po ako, and eto nga po, parang nagkaroon ng boom sa career ko.

“Para sa akin, ito na po yung pinaka-peak ng career ko. Kasi parang ito na po yung pinakamataas kong naabot.

“Kasi after po nung College, (graduate siya ng Communication Arts), gusto ko na pong mag-work. I’m about to give up na po before sa showbiz.

“God’s timing po, after graduation ko, eto nga po, nag-viral yung mga videos ko, nakilala as singers. Sabi ko, ienjoy ko muna to habang meron pa,” masayang kuwento pa ni Kristel.

Mapapanood si Kristel sa 4 Of A Kind: The Unforgettable Concert kasama sina Sue Ramirez, Loisa Andalio at Maris Racal on July 8 sa Music Museum.