• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Erik Matti admits they are looking for the best Darna costume design to fit Liza Soberano.

Director Erik Matti says new Darna costume will fit modern setting

Director Erik Matti admits they are looking for the best Darna costume design to fit Liza Soberano.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/16/2017 01:03 PM
Director Erik Matti says new Darna costume will fit modern setting

 

Kasabay ng pag-anunsyo ng Star Cinema kay Liza Soberano bilang bagong gaganap na Darna, mainit din na pinag-uusapan ngayon ng mga followers ng dalaga kung ano kanyang magiging costume ng pinay superhero.

Ayon sa direktor nito na si Erik Matti, may malaking pagbabago din na dapat abangan sa costume ni Darna.


"Andon pa din ang mga iconic preferences, but we’re trying to bring Darna to the modern contemporary setting and we want Darna to be progressive and gusto namin na hindi lang siya basta costume lang. Gusto namin medyo functional din na hindi lang magdadala ng kagandahan ni Liza," ani pa nito.

Naging matipid naman sa pagbibigay ng detalye ang direktor kung sino ang kanilang napiling designer para sa iconic costume.

"I've been tagged on my social media accounts of new designed Darna costumes and a lot of them really look awesome. Magaganda ang idea about it and we’ve probably worked on maybe 15 types of costume for Darna. And of course we are trying to come up with the fitting that's best for Liza," sabi pa ng direktor.

Bukod sa detalye ng costume, nilinaw din ni direk Erik na hanggang sa ngayon ay wala pa silang napipiling gumanap bilang kontrabida ni Darna.

"We have some casting ideas in mind but we've never confirmed anyone." 

Dumipensa din ang direktor sa mga negatibong komento na nagsasabing malamya ang dalaga para sa role ni Darna.

"I've seen her moves and she's young. Alam mo naman ang mga bata ngayon pursigido and I’m sure she's going to nail it," pahayag pa ng direktor.