• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla remains mum if Kathryn Bernardo has any participation in the movie.

Daniel Padilla, Vice Ganda, Pia Wurtzbach play superheroes in new movie

Daniel Padilla remains mum if Kathryn Bernardo has any participation in the movie.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/16/2017 01:04 PM
Daniel Padilla, Vice Ganda, Pia Wurtzbach play superheroes in new movie

 

Nakatakda magsama-sama sa unang pagkakataon sina Unkabogable superstar Vice Ganda, Teen King Daniel Padilla, at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach para sa isang pelikula.

 


 

 

 

Sa story conference ng kanilang kaabang-abang na pelikula kung saan gaganap sila bilang mga superhero, bakas ang excitement sa mukha ni Pia para sa kanyang first movie after ng kanyang reign bilang Miss Universe.

"Medyo kinakabahan talaga ako kasi first movie ko nga ito, pero ni reassure naman niya ako [Vice Ganda] na 'Masaya ‘to’, hindi naman ako dapat kabahan and talagang mag-e-enjoy ako sa movie," sabi pa ni Pia.

Masaya din na nagkuwento si Vice na todo din ang suporta para kay Pia at nangako pang hindi niya ito pababayaan sa kanyang unang pelikula.

“Kinabahan talaga siya pero sabi ko, 'Hindi ka mahihirapan dito kasi fun fun lang at mag-e-enjoy lang talaga tayo dito.’ Tapos the last time na nagkita kami sabi ko sa kanya na 'Promise I will take care of you'. Siyempre first movie niya ‘to as an actress kasi sanay na sanay siya as beauty queen, model e. Ngayon balik sa pagiging artista kaya kabado siya," paliwanag ni Vice.

Bukod kay Pia at Vice makakasama din nila si Daniel Padilla. Naging matipid si Daniel sa pagbigay detalye lalo na ng tanungin kung may special participation ba si Kathryn Bernardo sa kanilang movie.

 

 

"Hindi ko pa masabi kasi hindi pa na finalize ang story pero di ko pa alam kay direk Joyce (Bernal) sana," pahayag pa ni Daniel.

Bukod kay Vice, Pia, at Daniel, looking forward na din ang kanilang box office director na si Bb. Joyce Bernal na maumpisahan na kanilang pelikula anytime soon.