• Home
  • Fresh Scoops
  • Nicco Manalo talks about being the new ‘Best friend ng bayan’ on ‘Ikaw Lang ang Iibigin’.

EXCLUSIVE: Nicco Manalo on working with Gerald Anderson: ‘Walang masamang tinapay sa kanya’

Nicco Manalo talks about being the new ‘Best friend ng bayan’ on ‘Ikaw Lang ang Iibigin’.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

06/15/2017 10:17 AM
EXCLUSIVE: Nicco Manalo on working with Gerald Anderson: ‘Walang masamang tinapay sa kanya’

 

In his biggest break in showbiz yet, Nicco Manalo admitted he is enjoying playing the role of Gerald Anderson’s wingman Olsen in the daytime soap Ikaw Lang ang Iibigin. “Nakatrabaho ko na si Gerald sa movie na How to be Yours kaya nung first day namin was not our first time na magka-eksena. Ang unang direction na nakuha ko kay Direk Dan Villegas was ‘Basta basagin mo si Ge.’ Gerald’s character is very idealistic and or romantic. Mas praktikal si Olsen kay Gabriel kaya siguro may exciting mix yung dalawa. Nagsimula kami magtantsahan nung mga unang eksena ako yung nagpapatawa sya yung seryoso then eventually nagsabayan na kami. Madalas nag aasaran kami ng buhok. Orange yung kanya kulot yung akin (laughs),” he shared with PUSH.

Nicco can attest that Gerald is just as nice offscreen as he is onscreen. “Lahat ng taong nasa paligid o nakatrabaho ni Ge sasabihin mabait siya, a kind person at walang masamang tinapay sa kanya. Pero sa dami ng iba’t-ibang klaseng roles na nagawa niya hindi siguro maiisip ng tao that he can sometimes be quiet.  He works very hard kaya naiintindihan ko na kung makasisingit siya ng quiet time gagawin niya yun. Nagkakasundo kami dun dahil long hours ang taping. So pahinga sa tent tapos sa eksena namin papuputukin yung energy na naipon namin,” he said.


Although Nicco sees similarities with his TV character, he explained that is not as happy-go-lucky in life as his role. “May kulit naman ako sa totoong buhay, nagpapatawa naman ako sa mga tao sa paligid ko, pero hindi gaya ni Olsen. Sakto lang ang lakas ng loob ko or should I say kakapalan ng mukha ko hahaha! Sa totoo madalas mahiyain ako. Hindi ako kasing easygoing ni Olsen. Mas mahilig akong mag weigh ng mga bagay kesa yung sugod lang nang sugod. There is a good balance sa pagbuhay sa karakter ni Olsen. Bukod sa mga masaya o nakakatawang mga eksena hinihingi rin ng kwento na maipakita kung gaano kalalim na ang pagkakaibigan nila ni Gabriel walang iwanan yang dalawang yan!” he shared.

With the show’s central theme revolving around sports, Nicco said it’s influencing the cast and crew to get into triathlons. “Lahat kami na influence ng show di lang sa triathlon kung di sa pag aalaga sa sarili, gaya ng isang athlete. Mula sa mga bidang artista (grabe ang level ng commitment!) hanggang sa staff at mga assistant ng mga artista ay gusto na ata eventually mag triathlon. Marami sa kanila na tumatakbo sa mga marathon, may mga nakapag duathlon na rin. Normal na usapan na sa set kung kelan ang next race na sasalihan nila pero iiwan ko na muna sa kanila yung takbuhan dahil hindi talaga ako nahilig dun or... hindi pa. Bukod sa triathlon kanya-kanya din ng hilig na workout yung iba kagaya ng pag babasketball nila Direk Dan,” he shared.

The Ikaw ang Iibigin actor also shared that he enjoys working with director Dan Villegas on the soap. “Lahat po ng bagong project ay challenge. I love collaborating with directors. Ang lagi kong tanong kay Direk Dan sa bawat eksena ay ‘Puwede ba palutangin yung humor dito.’ Given na ang character ko kasama ng mga pamilya ni Gabriel na taga-Olaveri ay tagabigay saya o tuwa at tawa sa mga eksena, pero kasabay nun eh yung pag tantsa kung kelan babawasan yung 'nakakatawa' sa eksena para mas maging malinaw ang pag kwento. Lahat ng director may iba ibang paraan ng pag kwento kaya kailangan laging handa sa pag adjust,” he explained.