• Home
  • Fresh Scoops
  • Elmo Magalona, Arci Muñoz, Sharon Cuneta get emotional talking about their fathers.

Elmo Magalona, Arci Muñoz, Sharon Cuneta recall unforgettable moments with their fathers

Elmo Magalona, Arci Muñoz, Sharon Cuneta get emotional talking about their fathers.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/15/2017 10:22 AM
Elmo Magalona, Arci Muñoz, Sharon Cuneta recall unforgettable moments with their fathers

 

Isang madamdaming pagpupugay ngayong Father's Day ang ibinigay nina Elmo Magalona, Arci Muñoz, at Sharon Cuneta para sa kanilang mga ama na sumakabilang buhay na.

Sa panayam na ito, muling binalikan ni Elmo ang mga magagandang alaala ng kanyang ama na si Master Rapper Francis Magalona.


 

"Marami akong good memories with my dad [Francis Magalona] along with my family. Palagi ko naaalala yung special moments na inispend niya kahit super busy siya when he's still with us. And kapag Father's Day, napaka simple lang. I think what he'd want is to enjoy all the new food na meron ngayon and he loves food kaya kami din we enjoy eating food as a family din," Malungkot na kuwento ni Elmo.

Gaya ni Elmo, emosyonal din na nagkuwento si Arci ng kanyang mga alaala sa kanyang tinuturing na hero, ang ama niyang si Manuel Ramon Muñoz.

"Ako wala naman akong ibang gusto kung hindi maging proud sa akin yung parents ko e. I hope na wherever he is right —and I know he is now with the Lord, sana proud siya sa akin. And kung ano ako ngayon is because of him and for me he is my hero and I still miss him every single day," sabi pa ni Arci.

Bumuhos naman ang mga luha ni Megastar Sharon Cuneta ng nagbigay ito ng mensahe para sa kanyang ama na si dating Pasay Mayor Pablo Cuneta.

"Duduy.. I miss you everyday. I know I talked to you I sometimes on my bed you know I'm like a baby crying to my pillow and screaming like 'Daddy, I wish you were still here. Come back!' I know it won't happen but still I will be able to say it. I want to be his little princess I miss being the me I know," emosyonal na pahayag ni Sharon.

Para kay Elmo, Arci at Sharon, lumisan man ang kanilang nga mahal na ama, nanatili ang mga alaala nito sa kanilang mga puso.