Ariella Arida defends Pia Wurtzbach from bashers

Ariella Arida says people just don’t know the whole story of Pia Wurtzbach’s life.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/15/2017 10:21 AM
Ariella Arida defends Pia Wurtzbach from bashers


 

Sa kabila ng pananahimik ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa pinagdaanang panghuhusga ng kanyang madrasta na si Robbie Asingua, to the rescue naman ang isa sa mga malalapit na kaibigan nito at kapwa beauty Queen na si Miss Universe 2013 Third Runner up Ariella Arida.

Mula sa top-rated at most talked about life story ni Pia sa Maalaala Mo Kaya, nagbigay pahayag si Ariella para sa kanyang BFF.

 

"I know the life story naman of Pia, pero sabi ko nga parang ang hirap pagkasyahin sa isang oras ang three years mo na pinaghirapan," pahayag ni Ariella sa media launch ng Cosmo Skin.

 

 

Ayon kay Ariella, hindi sapat ang isang oras para sa maganda at makulay ng buhay ni Pia.

"Naintindihan ko naman na for TV yun, so hindi lahat nasasabi or naklaro kaya mahirap din po talaga mag comment. Kaya kung ano man po yung lumalabas ngayon, you can't tell din kung is it true or not kaya mahirap mag judge. Baka yung iba hindi din nila naiintindihan kung ano ba talaga yung mas malalim pa na story," pagtatapos na pahayag Ara.

Samantala, sinubukan din ng PUSH TEAM na hingan ng pahayag si Pia pero mas minabuti nito na hindi nalang mag komento pa tungkol sa isyu.