Sandara Park bibida bilang vampire sa isang new project?

May bagong movie ang singer-actress sa Korea.

BY
Ann Manhit

FRESH SCOOPS

06/14/2017 02:56 PM
Sandara Park bibida bilang vampire sa isang new project?
Photo credits to 1128jun IG

 

Mukhang balik-pelikula ang Korean K-pop star at aktres na si Sandara Park. Ito ay ayon sa isang Instagram post ng isang director sa Korea na si Lee Won Jun, kung saan sinabi niya na mayroon siyang new project kasama si Sandara. 

 


 

 

 

Ayon din sa report ng entertainment site na Koreaboo.com, ang magiging title ng pelikula ay “107th Year of Night.” 

May spoiler post din ang isang health trainer sa ilang nagaganap na training behind the camera. 

 

 

Sa ilang pre-production photos pa ay makikita na may temang bampira ang magiging movie kaya maingay ang usapan ng mga netizens na baka gaganap bilang vampire si Sandara. 

May mga comments na bagay naman kay Sandara ang ganoong role dahil nababansagan na din siyang “vampire” in real life dahil sa kanyang itsura na para bang hindi tumatanda.