• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gutierrez is adjusting to having a busy work schedule again.

Richard Gutierrez willing to work with Anne Curtis again

Richard Gutierrez is adjusting to having a busy work schedule again.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/14/2017 10:38 AM
Richard Gutierrez willing to work with Anne Curtis again

 

Muling nagbabalik sa pagiging busy ang schedule ng bagong kapamilya actor na si Richard Gutierrez na abala ngayon sa shooting ng inaabangang teleserye na La Luna Sangre. Si Richard ang gaganap bilang hari ng bampira na si Sandrino.

Dahil dalawang taon na napahinga, ngayon lang muli nag-a-adjust si Richard sa buhay showbiz.


"Ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin ang schedule ko na tuloy-tuloy and nag-a-adjust pa ako (laughs). Pero siyempre nakaka-miss ang grind, nakaka-miss ang work pero kailangan mag-adjust sa oras," sabi pa nito.

Sa pagpasok ni Richard sa kapamilya network, magkasabay niyang gagawin ang teleseryeng La Luna Sangre at ang Star Cinema movie na Wife Husband Wife. Kaya naman kapag maluwag ang kanyang oras, sinasamantala niyang makasama ang anak na si Zion

"Every chance I get and may free time I spend it with Zion and kapag may taping na malapit-lapit pinapabisita ko si Zion sa set so nagiging playground niya yung set," ani pa ni Richard.

Excited din si Richard na makatrabaho ang ABS-CBN stars na matagal na niyang gustong mangyari sa kanyang career, kasama na dito ang ex girlfriend na si Anne Curtis.

READ:Anne Curtis is open to Richard Gutierrez being a guest on ‘It’s Showtime’

"I'm open to work with anybody and of course si Anne nakatrabaho ko na before, so I’m willing to work with her again,” pahayag pa ni Richard.

Magsisimula ng mapanood ang La Luna Sangre ngayong Lunes, June 19, at inaabangan na rin ang Wife Husband Wife kung saan kasama naman ni Richard sina Angelica Panganiban at Angel Locsin.