• Home
  • Fresh Scoops
  • Ria Atayde on a possible relationship with Joseph Marco: ‘Ay hindi. Masyado akong maraming alam sa kanya.’

Ria Atayde denies Joseph Marco is courting her

Ria Atayde on a possible relationship with Joseph Marco: ‘Ay hindi. Masyado akong maraming alam sa kanya.’

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/14/2017 11:39 AM
Ria Atayde denies Joseph Marco is courting her

 

On Tonight with Boy Abunda, nilinaw ni Ria Atayde kung ano nag namamagitan sa kanila ni Joseph Marco. “Kasi po si Joseph at si Arjo (Atayde) nagkatrabaho po sila sa Pure Love. And simula nun super naging best friend sila. And since my brother is also my best friend we became like a trio. Until dumating sa point si Joseph dadalaw na lang sa bahay hindi na para kay Arjo, para sa akin na.”

Dagdag pa ni Ria, “we hit that point. Yung friendship. Parang kuya siya sa akin.” 


Nang tanungin kung baka “sumisimple” lang si Joseph, ang sagot ni Ria ay, “ay hindi. Masyado akong maraming alam sa kanya, masaydo din siyang maraming alam sa akin.”

Kalian lang nabawasan din ng timbang si Ria na mahigit 40 lbs. Ayon kay Ria, “aside from health concerns, that was my turning point na nandtio na ako sa industry na to e. And it’s part of it. I still have a goal that I want to reach.” 

Ayon pa kay Ria, “growing up as a fat kid bitbit ko yun e.” At bullied din diumano siya “in a sense na carino brutal.”