• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolina Magdangal says she also wants to start her own YouTube channel.

Jolina Magdangal reveals new movie with Marvin Agustin

Jolina Magdangal says she also wants to start her own YouTube channel.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/14/2017 10:19 AM
Jolina Magdangal reveals new movie with Marvin Agustin

 

Mula sa pagiging abala ni Jolina Magdangal sa iba’t-ibang TV appearance at proyekto sa kapamilya network, nais naman ngayon simulan ng Magandang Buhay host ang maging abala sa paggawa ng sariling blog at isang YouTube channel.

Bukod kasi sa madalas na pag-post niya ng mga cooking tips sa kanyang social media accounts, hangad din Jolina na makapagbigay ng tips at kaalaman sa mga nanay na kagaya niya.


"Marami akong gusto gawin ngayon na matagal ko na talaga gusto gawin. I think maumpisahan ko na talaga gaya ng YouTube channel, blog na gustong-gusto ko na talaga and I think this is the perfect time dahil ang dami ng kuwento ni Pele na naipon ko na," ani pa ni Jolens.

Bukod sa kanyang mga personal na plano, masaya din si Jolina para sa isa pang plano ng Star Cinema na muling pagsasama nila ng kanyang original na ka love team na si Marvin Agustin sa isang pelikula.

"May gagawin kaming movie ni Marvin, naghihintay nalang kami ng ng schedule ng look test pero na-i-present na sa amin ang story," sabi pa ni Jolina.

Thankful naman si Jolina sa kanyang asawa na si Mark Escueta na todo ang suporta na ibinibigay sa kanya.