• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson and Arci Muñoz want to inspire their exes with their new movie.

Gerald Anderson and Arci Muñoz say they are willing to be friends with their exes

Gerald Anderson and Arci Muñoz want to inspire their exes with their new movie.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/14/2017 10:39 AM
Gerald Anderson and Arci Muñoz say they are willing to be friends with their exes

 

Muli na naman nagsama sa isang kaabang-abang na pelikula sina Gerald Anderson at Arci Muñoz after ng success ng kanilang first movie noong 2016 na Always Be My Maybe.

Sa premiere night ng kanilang pelikula, nagpasalamat sina Gerald at Arci para sa mainit na suporta na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga tagahanga.


"We are so thankful to glorify our Lord God for people to appreciate it more than anything," ani ni Arci.

Fulfillment naman para kay Gerald ang magpakilig ng mga manunuod.

"Yun ang pinaka masarap na gagawa ka ng bagay na magugustuhan ng mga tao, new fulfillment," sabi pa ni Gerald.

Ibinahagi din ni Arci ang kanyang inspirasyon sa kanyang ipinakitang look sa red carpet kung saan suot niya ang isangflowing na white dress at Frozen-inspired na hairstyle na talagang kinarir niya para sa event na ito.

 

"Ako ngayon si Elsa! (Laughs) Ewan ko ba parang na miss ko kang magpakulay ng buhok. Parang nakita ko ang opportunity talaga na ilabas ang aking lumang sarili," ani pa ni Arci.

Dahil sa tema ng kanilang bagong pelikula, hot topic ngayon kung okay lang na maging kaibigan nila muli ang kanilang mga naging ex.

"Sana! (Laughs) Pero maraming tanong ang masasagot sa movie na ito!” pahayag ni Gerald.

Si Arci naman umaasa na maging inspirasyon para sa mag ex ang kanilang pelikula.

"Hindi ko alam eh kung makakabuti ba pero sana maging inspirasyon ito para sa inyo," natatawa niyang sagot.

Mapanuod na ang Can We Still Be Friends ngayong June 14 sa mga sinehan nationwide.