• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Mark Oblea on being a tambay to becoming an actor: ‘Na-culture shock ako!’

EXCLUSIVE: Mark Oblea on being a tambay to becoming an actor: ‘Na-culture shock ako!’

Mark Oblea admits going into acting was something totally unexpected.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/14/2017 10:15 AM
EXCLUSIVE: Mark Oblea on being a tambay to becoming an actor: ‘Na-culture shock ako!’


 

Hindi inakala ni Mark Oblea, dating finalist ng Pinoy Boyband Superstar, na papasukin niya agad ang pag-arte. Hindi man siya napasama sa grupo ng Boyband PH, naging part naman siya ng ABS-CBN series na My Dear Heart.

Ang My Dear Heart ay pinagbibidahan nina Nayomi Ramos, Coney Reyes, Bela Padilla, Loisa Andalio, Rio Locsin, Joey Marquez at Zanjoe Marudo.

Aminado si Mark sa interbyu ng PUSH na nahirapan siyang mag-adjust sa pag-arte dahil hindi naman talaga siya artista.

“From Pinoy Boyband Superstar to teleserye, ang hirap po para sa akin na mag-adjust. Kasi from singing to acting, sobrang nahirapan ako,” pag-amin niya.

Patuloy ng binata, “First day pa lang sobrang awkward na ng feeling na nasa set ako. Sabi ko, parang na-culture shock ako sa nangyayari. Ganito ba talaga? Then, 3, 2, 1, action! Anong gagawin ko?

“Kasi noong wala pa ako sa showbiz, ang pinaka-proud akong gawin is singing and dancing.

“Ang acting, no! Hindi talaga ako confident sa acting skills ko. And nagulat ako nu’ng ika-cast ako sa My Dear Heart.”

Hindi rin daw siya sumalang sa kahit anong acting workshop noon.

Aniya, “Wala akong workshop, wala akong experience sa acting so paano ko gagawin ito? Siyempre, pressured di ba? Pero ngayon, nai-enjoy ko na yung acting.

“Sobrang nahirapan akong mag-adjust pero nung nagtuluy-tuloy na naging comfortable naman ako and marami akong natutunan. Lahat ng cast tinuruan ako, ginuide nila ako. Hindi po nila ako pinabayaan,” sabi pa niya.

Ipinagpapasalamat naman ni Mark ang suwerteng dumating sa kanya.

“Wala ako dati, eh. Tambay lang ako dati as in literal na tambay lang ako dati. Kaya yung karakter ko sa My Dear Heart, malapit sa totoong buhay ko.

“Ganun ako dati. Kung alam n’yo lang, ang gagawin ko lang tatambay sa lugar, magba-basketball kasama ang mga tropa, walang ginagawa. Kaya hindi ako nahirapan sa role ko. Tapos yung pagiging mayabang naman, sa physical appearance ko naman yon. Kasi ang tingin nila sa akin mayabang. Kaya hindi ako nahirapan sa role ko,” kuwento pa niya.

Nakaramdam na rin ng separation anxiety si Mark dahil in few nights ay magtatapos na ang My Dear Heart.

“May sepanx po talaga sa lahat ng cast kasi ang bilis, eh. Mga ilang araw pa lang nakasundo ko na silang lahat, eh, lalong-lalo na si Loisa (Andalio).

“Nung presscon kasi hindi kami nag-uusap, first time ko siyang na-meet sa set, pero naging close agad kami… Sana magkaroon po ulit ako ng susunod na project,” pagtatapos ng gwapong binata.