Rachel Peters reveals her preparations for Miss Universe pageant

Rachel Peters says she is working hard to improve herself.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/13/2017 10:18 AM
Rachel Peters reveals her preparations for Miss Universe pageant

 

Kasunod ng pag-ugong na muling pagdaraos ng Miss Universe dito sa Pilipinas, ibinahagi naman ni Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters ang kanyang paghahanda para sa kanyang magiging laban sa Miss U pageant.

"Hindi naman relaxed pero hindi din tutok. Kasi were still doing media stuff like shoots, catching up with everyone else, but I'm working on myself and I think that's the most important factor for me when I go on to Miss Universe especially I heard it's going to be most likely happen here," pahayag ni Rachel sa PLDT Home event.


READ: Is there a back-to-back Miss Universe hosting for the Philippines?

Kahit na nanalo bilang Miss Universe Philippines, wala daw masyadong pagbabago sa kanyang personal na buhay.

"I'm very busy but I'm really blessed and grateful for all of the opportunities coming my way, pero I'm still the same. I still spend time with my dogs and with my family," ani pa ni Rachel.

Bilang bagong kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe looking forward din si Rachel na makilala at maka-usap ng personal si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach bago siya lumaban sa pageant.

 

 

 

 

 

"Si Maxine [Maxine Medina] palang. Sabi niya try not to get stressed lang and that's something it took me so hard and that's why I'm really working on myself before I do my training everyday," sabi pa nito.

Bukod dito, aminado naman si Rachel na may mga bagay pa din siya na kailangang ayusin at pag-aralan bago sumabak sa Miss U pageant, salungat naman sa mga pahayag ng pageant fans na nagsasabing perfect na siya for the pageant.

"No because in Binibini there are lot of bashers and a lot of people wanted to voice their opinion which is okay naman, pero I learned you can't take everything that they say and for me personally I take it as constructive criticism but at he end of the day I know what I need to work on like my walking and Question and Answer," pahayag pa ni Rachel.

Sa ngayon, abala pa si Rachel sa charity work ng Binibining Pilipinas bago tuluyang sumabak sa intense training para sa kanyang laban sa Miss Universe.