• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Cathy Garcia Molina says she tried to stop Angel Locsin from doing action scenes in La Luna Sangre.

Director Cathy Garcia Molina admits they have limitations in ‘La Luna Sangre’

Director Cathy Garcia Molina says she tried to stop Angel Locsin from doing action scenes in La Luna Sangre.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/13/2017 10:17 AM
Director Cathy Garcia Molina admits they have limitations in ‘La Luna Sangre’

 

Ibinahagi ni La Luna Sangre director Cathy Garcia Molina ang importansiya ng Computer Generated Effects (CGE) sa ilang malalaking eksena ng inaabangang serye ng Kapamilya Network. Sa mabilis na improvements ng technology, malaki na daw ang pagbabago na mapapanood pero may limitasyon pa rin. 

"Mas advanced naman. Nakakahiya naman kung hindi after ng ilang taon. Sinusubukan. Actually kahinaan natin dito sa Pilipinas kaya ‘di tayo makasabay sa Hollywood films is yung CGE because they can do it, they have the money. Because we have a very limited budget for the same expectations so ang hirap niya, ang hirap niya tapatan ng walang salapi," sabi ng director.


Pero kahit may limitasyon, bumabawi naman daw sa ibang bagay ang kabuuan ng palabas kung saan lumalabas ang creativity ng production team.

"Hanggang kaya namin ibigay ang ini-expect ninyo na quality nung graphics pipilitin po namin maibigay ang gusto niyo. Katulong namin dito ang mothership kung magkulang man patawarin nyo kami! (Laughs)" sabi pa ni direk Cathy

Sa action scenes naman, sasabak sa ganitong mga eksena si Angel Locsin aa week one pa lang ng serye na ayaw magpagamit ng double.

"Naku palo nga ito eh! Kasi di ba alam naman natin lahat na may diperensya siya sa likod na inayos di ba? So inaalagaan natin na huwag na bumalik. Ako naman po eh wag na sana gawin yan eto ang tigas ng uli. Pinapa-double ko na ayaw niya," kuwento ni direk Cathy.

Humanga si direk Cathy kay Angel sa aspetong ito dahil dedicated sa kanyang career.

"Akam nyo naman po si Angel if she could do it she really will so yung mga action scenes niya siya po ang gumawa," pagtatapos ng director.